MANILA, (PNA) — President Benigno S. Aquino III arrived in Manila Thursday night after attending the 21st Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) and the 23rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summits held in Bali, Indonesia and Brunei Darussalam, respectively from October 6 to 10, 2013.
The Pesident’s chartered Philippine Air Lines flight PR001 landed at the tarmac of the Ninoy Aquino Intrrnational Airport Terminal 2 at around 8:30 p.m. and after 10 minutes of taxiing deplaned at the terminal’s arrival gate at around 8:40 p.m.
Joining the President were Finance Secretary Cesar Purisima, Trade Secretary Gregory Domingo, Socio-economic planning Secretary Arsenio Balisacan and other officials and staff of Malacanang.
In his short remarks, the President hailed his trip as one that was highly successful and significant as he was able to showcase the upliftment of the Philippines from being the “sick man of Asia” to its current state of being the region’s best performing economy through honest and straightforward governance.
The President also highlighted the fact that he was able to discuss with his counterparts from other countries the Philippines’ desire to set aside any differences and misunderstandings and forge forward for the benefit of the people and the region.
“Matagumpay at makabuluhan. Ito ang mga salitang magbubuod sa limang araw nating pagbiyahe sa Indonesia at Brunei para sa APEC at ASEAN summits.
Unang araw pa lamang natin sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Bali, Indonesia, kitang-kita na ang mainit na pagsalubong at pagkamangha ng ibang mga bansa sa nagaganap na positibong transpormasyon dito sa Pilipinas.
Hindi po kalabisan kung sasabihin nating sabik na sabik silang malaman kung paanong, mula sa pagiging ‘sick man of Asia,’ ay unti-unti nating nabago’t napatingkad ang imahen ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
Ibinahagi natin sa APEC CEO Summit Conversation with Leaders na ang kakaibang sigla at estabilidad ng ating ekonomiya ay nagmumula sa tapat at hayag na pamamahalang talagang nakatutok, hindi sa pang-aabuso sa kapangyarihan, kundi sa pag-alaga sa kapakanan ng taumbayan,” the President said.
“Naging produktibo din po ang partisipasyon natin sa ikadalawampu’t tatlong ASEAN Summit sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam. Sa pamamagitan ng Regional Comprehensive Economic Partnership, naisulong ang pagsuporta sa maliliit na negosyo at ang pagpapabuti sa daloy ng kalakal ng mga bansa.
Tinalakay din natin ang pagpapatibay sa kahandaan sa mga sakuna, at ang seguridad ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Sa paglawak ng impluwensya, at sa paglaki ng ginagampanang papel ng Timog Silangang Asya sa daigdig, kritikal din ang naganap na konsultasyon at dayalogo natin sa mga bansang kasapi ng ASEAN, gayundin sa ating strategic partners na Estados Unidos at bansang Hapon,” he added.
The President stressed that he was able to voice out the need to implement a Code of Conduct in the West Philippine Sea which he said was widely received by his counterparts.
“Gaya ng dati, nanindigan tayo para sa implementasyon ng mga prinsipyong nakapaloob sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Muli rin nating isinulong na matutukan, sa lalong madaling panahon, ang pagpapanday ng isang Code of Conduct na susundin ng bawat miyembro.
Ang mga hakbang natin tungo sa resolusyon ukol sa “the sea known by many names” ay nakatuon, hindi sa pansariling interes ng mga indibiduwal na bansa, kundi para sa mas aktibong kalakalan, malawakang kaunlaran, at mapayapang relasyon sa Asya.
Sa bawat salitang ating binibitawan, naging malinaw po: Ang Pilipinas ay hindi na lamang basta isang munting tinig. Ngayon, may boses na tayong kinikilala, iginagalang at sinasang-ayunan ng marami,” the President said.
In ending, the President underscored the importance of unity and cooperation as well as the need to pursue an advocacy collectively.
“Sa pambansa man o sa pandaigdigang konteksto, wala po talagang kahihinatnan ang pagkakanya-kanya. Kooperasyon at pagkakaunawaan: ito pa rin ang susi sa pagpapanatili ng isang mundong hitik sa pagkakataon at pag-asa para sa lahat,” the President said.
“Ito mismo ang batayang prinsipyong gumabay, at patuloy na gagabay sa atin bilang isang bansa. Hindi natin hahayaang politika ang magdikta sa direksyong tatahakin ng mga Pilipino.
Tanging ang interes ng nakararami, ang pagbuwag sa kultura ng katiwalian, at ang pagsusulong ng malawakang kaunlaran ang tumitimon sa bawat hakbang natin dito sa tuwid na daan.
Tiyak kong hanggat nariyan ang mga Boss ko, ang sambayanang Pilipino, alam kong anumang pagsubok na ating kakaharapin ay higit lamang magpapalakas sa paninindigan nating magpamana ng isang Pilipinas na pakikinabangan at maipagmamalaki ng susunod na salinlahi,” he added.