Nakaraang araw napanood ko yung Evan Almighty sa DVD. Si Evan ay isang newscaster na tumakbo bilang kongresista sa US at ang kanyang plataporma ay “Change the World”. Dahil dito naihalal siya ngunit nang maupo sya sa Kongreso, nagbago sya at nakalimutan ang kanyang pangako sa mga mamboboto. Isang araw nagpakita s kanya ang Diyos upang ipaalala sa kanya ang kanyang pangako. Tinanong ni Evan ang Panginoon kung pano nya babaguhin ang mundo samantalang mag-isa lamang siya. Sinabi ng Diyos kay Evan na ang pagbabago sa mundo ay nakasalalay sa mga “random acts of kindness” ng bawat indibidwal.
Kanina habang nasa SM Megamall ako galing sa clinic, napadaan ako sa Powerbooks. Dahil likas akong mahilig magbasa, tiningnan ko ang shelf ng mga libro sa investments dahil gusto ko pang lumalim ang kaalaman ko tungkol sa pag-iinvest lalo na sa stock market at mutual fund. Madami na akong natingnan na libro pero hindi ko nagustuhan. Napansin siguro ng katabi ko na tila walang direksyon ang paghahanap ko ng aklat na bibilhin. Lumapit sya sa akin at nag-recommend ng 2 libro. Sabi nya maganda daw yun.
“Thank you” sabi ko sa kanya. “Trader ka din ba?”, tanong ko.
“Hindi nag-aaral lang kung paano mag-invest”, ani niya. “Ikaw ba trader?”
Sabi ko katulad ko din sya na nag-aaral kung paano mag-invest pero hindi ko pa nagawang mag-invest sa Philippine Stock Market. Naikwento ko na sa Mutual Fund ako nag-iinvest.
Sinabi nya na matagal na daw syang interesado mag-invest sa mutual fund kaso wala syang mapagtanungan kung saan mag-invest at kung paano. Tinanong nya sakin kung paano ko nalaman ang mutual fund, saan ako nag-iinvest at magkano naman ang minimum investment.
Nagkataon na kakabili ko lng ng shares sa PhilEquity Mutual Fund ko last Jan. 24, 2008 noong pabulusok ang Philippine Stock Market Index (PSEi). Ito kasi ang investment strategy ko, bumili ng PhilEquity Shares kapag mababa ang PSEi dahil siguradong mababa din ang mga stocks sa panahon na yun. Dala dala ko pa ang certificate of shares ang PhilEquity at ipinakita ko sa kanya. Sa recibo nandun ang telepono ng PhilEquity at ipinakita ko din ito sa kanya.
Lahat ng tanong nya tungkol sa mutual fund sinikap kong sagutin. Ni-refer ko sa sya www.tradercentral.ph kung saan ako ay miyembro. Sinabi ko me thread dun tungkol sa mutual fund at mga aklat na maarin niyang hanapin sa bookstore. Sinabihan ko din sya na magtanong ng mabuti sa PhilEquity at kunin ang prospectus nito.
Natanong ko kung bakit siya interesado mag-invest.
“Pupunta kasi ako ng Dubai”, ani niya.
Naisip ko kaya pala. Mabuti naman at me plano sya kung paano palaguin ang kanyang pera. Pagkatapos namin mag -usap, sya naman ang nagpasalamat. Madami daw sya natutunan. Ako naman masarap ang pakiramdam ng nakakatulong. Sa ganitong mga panahon ng krisis, dapat tayong mga Pilipino ay magkakapit-bisig at buong tapang na harapin ang hamon sa atin bansa.
Paano nga ba baguhin ang mundo? Tingin ko totoo ang sabi ng kwento.
Please visit my site www.dexterslab.i.ph