Isa nating isinaalang-alang tuwing nagpaplano tayo ng negosyo, palagi natin iniisip kung may puhunan tayo. Pag nakita natin na kulang ang puhunan o di kaya ay kulang nagdadalawang isip kaagad tayo kung itutuloy ba natin ang negosyo o hindi.
Kahapon, natutunan ko na pwede kang kumita kahit laway lang ang puhunan.
Nasa Quiapo kami ng asawa ko kahapon, namimili ng murang pag-give away sa kasal, may nakita kaming native bag na pwedeng lalagyan ng alak para sa mga ninong namin. Nagustuhan namin ito kaya naman nagtanong kami sa tindera kung magkano yun. Sabi nya wala na daw silang stocks kaya tinuro ako sa kabilang stall. Nang tanungin namin ang tindera sa kabila kung mayroon sila ng wine bag, sabi nya kukuha lang daw sya ng stocks. Mag 5 minute din kami naghintay, naiinip na ako at medyo nagdududa ako sa tindera. Pagabilk niya dala dala na nya ang 15 native bags. Bawat isa ay nagkakahalagang 40 pesos.
Sabi namin pwede ba 30 na lng. Ayaw nya pumayag kasi yun daw puhunan sabi nya 35 pesos pwede na. Sa pag-aakalang nakamura kami binayaran namin sya.
Habang nag-iikot pa kami sa Quiapo, may nakita kaming kaparehong bag. Tinanong namin kung magkano yun. Sabi 30 pesos bawat isa, pwede pa tawaran kung maramihan.
Nagkatinginan kaming mag-asawa. Sabi ko sa asawa ko, tama ang hinala ko kanina na pumunta yung tindera at bumili ng native bag para itinda sa amin. Kaya pala ayaw nya ibigay ng 30 pesos dahil yung 10 piso pala ay kita nya. Kumita sya ng 70 pesos sa loob lng 10 minuto na laway lang ang puhunan!
Please visit my site www.dexterslab.i.ph