Filipino
Magandang kinabukasan at hanapbuhay, tanging kayamanan at katuparan ng mga pangarap ay ilan lamang sa mga dahilan ng mga Pilipino upang ipagpatuloy at ihaon ang kanilang pag-aaral. Ngunit hindi linalako ang edukasyon, maski ang mga state universities sa bansa ay walang magawa kundi ang itaas ang matrikula. Maliit ang badyet ng gobyerno para sa edukasyon kaya’t karamihan ng estudyante ay hindi na nakakapagtapos at mas pinipili na lamang ang magtrabaho. Bakas ito ng isang malawakang orientasyon ng misedukasyon sa Pilipinas.
Ayon sa Ibon Founfation Incorporation, maraming salik ang nagiging dahilan ng misedukasyon dito sa Pilipinas. At isa na dito ang pagiging kolonyal ng uri ng edukasyon dito sa bansa. Nagmula sa Amerikano ang institusiyonalisasyon ng edukasyon. Ito ang naging sandata upang masakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang positibong pamamaraan na hubugin ang isipan ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi nakaiwas ang bansa sa isang legitimong pananakop. Gamit ang edukasyon, nagtagumpay silang mapaniwala ang ating mga kababayan na sila ay ating mga kaibigan. Kaya naman ang turing natin sa mga Amerikano ay mga bayani at hindi mga mananakop.
Sa ngayon ay nagbago na ang orientasyon mula sa Colonial Education ay naging Neocolonial Education na kung saan pinatili ng banyagang puti ang kontrol sa ating kabuhayan at kasaysayan. Napalaganap ang wikang Ingles at pagkiling natin sa produktong kolonyal sa paniniwalang ito ay maganda at maayos. Ginawa nila tayong mga robots at hindi mga thinking objects dahil wala tayong say sa anumang ituro sa iskwelahan. At ngayong nasa era of Globalization na tayo nakaroon na ng intensification ng Komersyonalismo ng edukasyon. Ipinattern natin ang edukasyon ayon sa mga needs ng monopolyo. Upang magkaroon ng consumers ay pinattern tayo sa Multinational at Transnational Corporation.
Quality education is expensive, if you want it you must be ready to pay. Dahil sa Education Act 1982, nagsimula ang tuition fee increases na parang commodity na lamang. Noong 1997 ipinagpatibay ang High Education Modernization Act na kung saan pinapayagan ng state universities na magbenta ng assets ang kanilang mag-aaral. Kaya naging uso ang technical and vocational skills sa mga economic processing zone. Skilled workers but low laboring fee. Ito ay ilan lamang sa epekto ng komersiyalisasyon sa edukasyon.
Nagiging elitista na nga ba ang uri ng edukasyon sa bansa? Kapag naghahanap ng isang vacant position ang kaka-graduate pa lamang na Pilipino, kapansin-pansin ang mga requirements na gaya ng masteral degree, experience at must be a graduate from a reputable university like Ateneo, La Salle, and UP. Itong mga schools na ito ang priority na bigyan ng company ng trabaho at tiyak accepted na kapag nag-apply. Nagiging basehan na kung saan ka nag-graduate ng college. Magaling ka nga pero hindi kilala ang school na iyong pinangalingan edi hindi rin magagamit ang talino, sabi nga nila ang pangalan ang kagamit-gamit. Ngunit sa katunayan pare-pareho ang lahat ng school, sa magandang pangalan lang nagkaiba. Tunay na elitista na nga ang edukasyon sa bansa.
Ang edukasyon ang makakapagpabago sa ating lipunan. All people should have education not only because they need it but also because they deserve it. Education is a process of freeing the people. Ang edukasyon ay isang regalo mula sa mga Amerikano, Gamitin natin ang regalong ito hindi bilang batayan ng katayuan sa komunidad kundi basehan kung paano natin iaahon ang lugmok nating lipunan. Huwag tayong maging makasarili sa paghubog ng ating kakayahan matututo tayong magbahagi ng nalalaman. Dahil may solusyon pa sa laganap na misedukasyon sa Pilipinas. Because if this scenario will continue to nourish, then this country will have a mess of a foundation.
Sources: IBON Foundation Corporation (Video Production Unit), Mr Gealogo , Mrs. Almeda, Mr. Tujan Jr., at Mr. Quejado
Daniel Marc M. Deleña A55