Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

“Ako Naman ang Hihirit”

Posted on November 1, 2006

“Ako Naman ang Hihirit.”
Ni Jackie Vasquez ©

Ang artikulo na ito ay sumasalamin sa dokyumentaryong “MisEdukasyon” ng IBON Foundation Inc.

Sa daan-daang rebyu na mahahanap mo sa internet ukol sa dokyu na “MisEdukasyon”, marahil ay alam mo na itong tatalakayin ko. Teka, alam mo nga ba?

Alam mo ba ang mga kinahaharap na suliranin sa sistemang edukasyon ng Pilipinas? Alam mo nga ba na magpasahanggang ngayon ay napapasailalim pa rin tayo sa mga kamay ng mga Amerikano? Alam mo ba na palaki ng palaki ang presyo ng edukasyon? Alam mo rin ba na sa panahon ngayon, hindi sipag at talino lamang ang basehan upang makakuha ng trabaho?

Siguro nga ay alam mo na. Ngunit pag-isipan mo muli.

Pangkaraniwan na kung sasabihin ko na ang problema ng edukasyon sa ating bansa ay ang mga pasilidad nito. Masikip at mainit na silid-aralan, sira-sirang upuan, maruming paligid, kulang sa mga visual aids, at sangkatutak na iba pa. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, may mga pangunahing suliranin ang edukasyon sa ating bansa. Binanggit sa dokyu ang tatlong katangian ng edukasyon sa Pilipinas.

Kolonyal. Ang pagiging kolonyal ng Pilipinas ay bunga ng pananakop ng mga Amerikano sa atin ilang daang taon nang nakalipas. Gumamit sila ng lehitimong paraan ng pananakop – ang sistemang institusiyonalisasyon. Hindi lamang siyensa ang kanilang itinuro kundi ipinakita rin nila ang oriyentasyong maka-Amerikano, kung saan sila ang may kapangyarihan sa atin. Ang mga Pilipino ay mas naging pamilyar sa kanilang kasaysayan, kultura at kaisipan kaysa sa sariling atin. Namulat ang ating mga mata sa modernisasyon na nakapagbago ng malaki sa atin. Pinalawak nila ang saklaw ng wikang Ingles, na dumating sa punto na ito ang dapat gamitin sa pagtuturo. Tinangkilik natin ang mga produktong banyaga, habang naisantabi ang mga produktong lokal. Hindi kailanman nawala ang kontrol ng bansang Amerika sa atin.

Dahil sa paglawak ng kapangyarihan ng wikang Ingles sa edukasyon, lumitaw ang kaisipan na dapat itong gamitin bilang wika sa pagtuturo. Ngunit hindi lahat ng tao ay kaya umunawa ng wikang Ingles. Kadalasan ay pagmememorya na lamang ang ginagawa ng mga estudyante sa halip na intindihin ang isang leksyon. Tanggap na lamang ng tanggap ng leksyon, at hindi na nagtatanong. Kaya nga pinalalaganap ang transformative learning, sinasasabi nito na hindi lamang sa loob ng apat na poste ng silid-aralan makakamtan ang edukasyon.

Komersyalisado. “Edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maibibigay namin sa aming mga anak.” Iyan ang palaging sinasabi ng mga magulang. Dugo at pawis ang kanilang ibinubuhos makapag-aral lamang ang kanilang mga anak sa isang mahusay na unibersidad. Ngunit ginagawang negosyo ang mga paaralan. Karamihan sa mga unibersidad na may kalidad na edukasyon ay pagmamay-ari ng mga pribadong sektor. Ibig sabihin ay mataas ang singil nito sa tuition fee at iba pang bayarin. Walang ibang pagpipilian ang mga magulang na ito kundi ang pag-aralin ang kanilang mga anak sa isang pampublikong paaralan na hindi ganoon kahusay ang kalidad ng edukasyon. Paano naman ang mga kapus-palad na nais makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho na makapagraraos sa kanila sa kahirapan?

Elitista. Pansinin mo ang mga may-ari ng mga kumpanya, CEO, at mga empleyadong may matataas na posisyon. Ano ang pagkakapareho nila? Sila ang mga nagtapos sa mga kilala at bigatin na unibersidad. Nariyan ang Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle University, at Ateneo de Manila University. Mas binibigyang atensyon ang mga nagtapos sa mga nabanggit na unibersidad. Sila ang mga prayoridad ng mga kumpanya ngayon. Ang pangalan ng unibersidad na iyong dinadala ay makatutulong o makasisira ng malaki sa iyo. Pahirapan ngayon ang paghanap ng hanap-buhay.

Saan na nga ba patungo ang diskusyong ito? Isang panawagan. Isang panawagan sa mga mag-aaral, magulang, guro, sa mga empleyado sa paaralan, DepEd, sa mga hanay ng pamahalaan, at sa lahat na may oras basahin ang artikulong ito. Ano ba ang magagawa natin sa sistemang edukasyon ng ating bansa? Tanggap na lamang ba tayo ng tanggap sa pilit na isinusubo sa atin?

Siguro nga ay alam mo na. Ngunit pag-isipan mo muli. ©

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme