by Elaine Rose Capati
Filkomu A55
Ipinakita sa pelikula ang iba’t-ibang aspeto ng edukasyon. Ginamit dito ang pamamaraang pagiinterbyu ng mga tao upang makuha nila ang impormasyong nais nilang mailahad sa mga nanonood. Sa ganitong paraan, mas mapapaniwala nila ang manonood sa kung ano ang nais nilang sabihin.
Tulad nga ng nasabi ko, marami silang nailahad sa dokyumentaryong ipinalabas, ngunit ang talagang tinutukan nila ay ang mga problema sa edukasyon.
Isa na rito ang mahal na tuition sa mga paaralan. Dahil sa kahirapan, mas pipiliin pa ng iba na hindi magaral dahilan sa wala silang ipangtutustos sa tuition. Ang kanilang ipangbabayad ay ipapangkain na lamang nila. Sabi nga ng karamihan ay mataas na ang tuition, lalo pa itong tumataas kada term. Eh sino ba naman daw ang gaganahan sa ganitong sitwasyon hindi ba? Syempre ang iisipin na lang ng mga estudyante ay saan nila kukunin ang pambayad gayong wala namang kaya ang kanilang pamilya.
Pangalawa ay ang neo-colonialism. Sinikap ng mga Amerikano na lahat ng mga Pilipino ay mapaniwalang kapag may alam ka tungkol sa Amerika, o marunong ka tungkol sa kanilang bansa lalo na ang kanilang lengwahe ay magaling ka. Kumbaga ikaw ay mas nakakatataas sa ibang walang alam, mas marunong ka sakanila. Nabalot tayo sa kanilang kapangyarihan at kanila tayong napaniwala sa mabulaklaking salitang kanilang sinabi. Ginamit nila ang ating bansa upang mas mapalawak nila ang kanilang sakop at mas maging popular lalo sila. Oo nga’t marami silang naibahagi sa atin. Marami tayong natutunan mula sa kanila. Ngunit hindi iyon nagging sapat upang umangat ang bansa. Lalo pa nga tayong bumaba sapagkat ginamit tayo at tinatapaktapakan pagkatapos. Imbis na umunlad, ay yaong umurong pa. Sa kabila ng lahat ng kanilang nagawa para sa atin ay hindi ito nagbunga ng maganda.
At ang panghuli ay ang elitista. Sinasabi nila na tanging ang mayayaman lamang daw ang kayang makapag-aral sa magagandang eskwelahan tulad ng La Salle at Ateneo. Masyado daw mahal ang tuition kaya sa mas mabababang paaralan na lamang sila. Kung titignan at susuriin mong mabuti ay hindi iyon pawang katotohanan. Walang imposible! Kung iyong pagsisikapan ay kakayanin mo ang lahat. Kaya’t sino ang nagsabing mayayaman lamang ang makapag-aaral sa matataas na paaralan? Bakit mapag-aaral ba ng mga magulang ng mga estudyante sa gayong paaralan kung hindi nila iyon pinagsisikapan? Hindi! Kaya’t, pagiging masikap ang tanging solusyon diyan!
Ipinakita sa pelikula na talagang mahirap ang buhay. At dahilan dito pati ang pag-aaral ng karamihan ay naapektuhan, na ang siyang tanging kayamanang maibabahagi sana sa mga tao ay hindi maabot dahil sa kahirapan. Ngunit kahit ganoon ay makikita mo ang kagustuhan ng karamihan na makapag-aral. Makikita mo ang pagpupursige nila upang matuto at nang sa ganon ay maabot nila ang kanilang mga pangarap balang araw. Dahilan din dito parang lalo ang ginanahan magaral. Nagkaroon ako lalo ng inspirasyong gawin ang lahat ng aking makakaya at nang sag anon ay makatapos ako at matulungan ang aking kapwa sa hinaharap. Alam kong walang imposible!