Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Annabelle di mapapatawad asawa ni Ruffa

Posted on September 15, 2007

PNS — Nag-iinit pa rin ang controversial mother ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama sa The Buzz sa Turkish husband ng kanyang anak na si Yilmaz Bektas, na naging dahilan din ng panibagong tampuhan ng mag-ina.

Nakaalis ng bansa si Yilmaz nang hindi sila nagkita at nagkausap ng kanyang mother-in-law. Ni hindi rin daw sinubukan ni Yilmaz na kausapin si Annabelle.

“Wala namang subok. Wala naman ding ano. Kapag sumubok siya, ayoko rin naman talaga. Pero never naman siyang nag-try. [Nung] Umalis si Yilmaz, tuwang-tuwa ako. Nawala lahat mga tinik ko sa dibdib, sa puso ko, at nakikita ko naman na… Nalungkot ako at the same time kasi ang mga apo ko, parang nalungkot sila nung umalis ang tatay nila. Talagang mahal na mahal ng mga apo ko ang tatay nila,” pahayag ni Annabelle sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, na katabi rin that time si Ruffa, co-host sa The Buzz.

“Pag bumalik siya, hindi ako a-attend sa birthday ni Venice,” banta ni Annabelle. “E, di mag-lunch na lang kami o mag-dinner kasama ang mga bata. Mag-shopping na lang kami.

“Pero hindi ko kayang humarap sa kanya [Yilmaz]. Baka hindi ako makapagpigil mamura-mura ko siya ng baluktot na English. Kasi baluktot naman siyang mag-English kaya magkaintindihan kaming dalawa,” patawa pa ng ina ni Ruffa.

NOT YET READY TO FORGIVE. Diretsahan ding inamin ni Annabelle sa harap ni Ruffa na at this point ay hindi pa niya kayang patawarin si Yilmaz.

“Hindi ko siya kayang patawarin kasi hindi siya magaling na tao, e. Masama siyang tao. Hindi siya dapat para kay Ruffa,” prangkang pahayag ni Annabelle.

“Lahat ng tao nanood ng TV kinikilig, kinikilig. Ako, hindi ako kinikilig. Nagmumura ako kapag nakita ko sila sa TV, magkasama silang dalawa ni Ruffa. Si Ruffa pahampas-hampas pa [kay Yilmaz] kaya lalo akong nabubuwisit! Hahampas-hampas ganyan, sweetie-sweetie. Lalo akong nabubuwisit kapag nanonood ako ng TV kasi hindi ‘yan ang totoo, e. Ang totoo, hindi ganyan.

“Kaya Ruffa, magsabi ka ng totoo kung ano talagang tao si Yilmaz,” direktang turan ni Annabelle sa anak. “Hangga’t nandiyan pa ang pagseselos ni Yilmaz, hindi magbabago ang kanyang ugali. Salbahe naman talaga ‘yan [Yilmaz], e. Mabait lang siya sa kung mabait, pero once na magselos si Yilmaz, yung mga sungay naglalabasan lahat. Ang sama-sama talaga niya ‘pag nagagalit.”

TELL THE TRUTH. Nais sana ni Anabelle na mismong si Ruffa ang sumagot sa tanong ni Boy kung sinaktan ulit siya ni Yilmaz pagkatapos ng huling pananakit na ginawa sa kanya sa Turkey, pero nanatiling tahimik lang ang dating Miss World 2nd Princess.

“She has to tell the truth sa harap ng lahat ng mga tao,” sabi ni Annabelle. “Huwag na siyang magdrama-drama. Huwag na siyang mag-ano, huwag na niyang kampihan ang lalaking ‘yon! Alam ko mahal niya, pero sabi ko sa kanya, ‘[Ang] pagmamahal na ‘yan, Ruffa, fake lang ‘yan, e. Kasi kung mahal ka talaga ng isang lalaki, dapat mamahalin ka kung ano ka.’

“Kasi pati pagsuot niya [Ruffa] ng ganyang kaiksi, naka-micromini siya, nagwawala ‘yon [Yilmaz]. Mura siya nang mura. Kung ano ang pinagbabasag niya sa kuwarto. Puwede ba yung ganun? Artista si Ruffa, di ba?

“Dapat naintindihan niya pagdating sa isang tao, maski ano ang susuotin ni Ruffa. Hindi naman bastos yung susuotin niya, e. Naka-micromini lang ‘tapos naka-ganyan. ..gaya ng suot niya ngayon na kita halos yung dibdib niya, nagwawala na ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya [Ruffa] nung gabing umuwi siya galing ng The Buzz,” pagsisiwalat ni Annabelle.

Mabilis ding kumalat ang isyu na ilang araw na raw hindi nagkakausap sina Yilmaz at Ruffa.

“Sabi ko sa kanya [Ruffa], ‘Naku, sinagot ako ng Sto. Niño na makakita siya [Yilmaz] ng ibang babae.’ Na-ma-in love na siya talaga para makalimutan na niya talaga si Ruffa. Sabi ni Ruffa, ‘Baka kinulam mo, Mommy?’ Kasama na rin doon ang kulam!” biro ng palabang ina.

Ayaw namang sumagot si Ruffa sa panawagan ng kanyang ina na magsalita kung ano ang iniwan sa kanya ni Yilmaz bago umalis ng Pilipinas.

“Just tell the truth, Ruffa,” pagkukumbinsi pa ni Annabelle sa anak. “Walang masama kung magsasabi ka ng totoo. Kasi pag-alis ni Yilmaz, akala ng lahat magkabalikan kayo, sweet na sweet kayo. Hindi totoo lahat-lahat ‘yan. Hindi naman kayo sweet, e. Sweet lang kayo dalawang araw, kasunod nun wala na.

“Tsaka [nung] umalis na siya may ibinigay sa ‘yong ano si Yilmaz? Magsabi ka ng totoo, ‘day! Na hindi mo makakalimutan. ..Kung papatawarin mo pa siya, luka-luka ka na Ruffa talaga. Maniwala ka sa akin, kapag bumalik siya dito at entertainin mo pa siya Ruffa, ewan ko. Su-surrender na ako sa ‘yo, ‘day! Kasi nakita ko ang totoong pagkatao ni Yilmaz,” diin pa ni Anabelle.

Hindi man binanggit ni Annabelle nang diretsahan kung ano ang iniwan ni Yilmaz kay Ruffa, marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa isiniwalat noon ng actress-TV host tungkol sa pananakit ng asawa sa kanya.

MOTHER KNOWS BEST. Very vocal din si Annabelle sa pagsasabi na hindi siya nakikialam sa lovelife, hindi lang ni Ruffa, kundi pati na ng iba pang niyang mga anak na lalaki.

“Advise lang tayo, okay?” paglilinaw niya. “Matanda na ako, matanda na rin naman sila [mga anak niya]. Siyempre minsan ang tao nakakalimutan nila ang sarili nila. Kailangan nandiyan lang tayo, nandiyan lang ako para magpaalala, mag-advise.

“Laging sinasabi ni Ruffa sa akin, matanda na raw siya. Huwag siyang pakialaman. Alam ko matanda na siya, pero paminsan-minsan dapat pakialaman ko naman siya. Kasi minsan, nakakalimutan naman niya yung dapat at di dapat gawin.

“Kaya ang sabi ko sa kanya, ‘Huwag kang magalit sa akin, Ruffa, kung ako nakikialam sa ‘yo.’ Siyempre, advise lang ako, di ba? May dalawa kang anak, hindi ko ma-imagine ‘pag namatay ako kung ano ang mangyayari kay Ruffa, kay Richard, kay Raymond. Siyempre, until now, nandiyan pa rin ako sa kanila, di ba?

“Kaya lagi ko silang ginaganun para habang buhay pa ako… Sabi ko nga kay Richard, habang buhay pa ako, pakinggan ninyo ako kasi ang nanay laging tama. Kapag ako mamatay sa mundong ‘to, bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyo. Wala na akong pakialam, di ba?” paliwanag ni Annabelle.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme