PNS — Hindi ikinaila ni Rustom Padilla na matagal na pala silang hindi nagkakausap ng kanyang utol na si Robin Padilla. Since noong inamin niya ang kanyang pagiging bading, nag-cause daw iyon ng malaking problema between Rustom at sa pamilya niya.
Nitong nakaraang Gawad Urian awards night na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University kagabi, September 12, kung saan nanalo bilang best actor si Rustom for ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh (ka-tie niya si Mark Gil for Rotonda), doon lang daw ulit sila nagkaharap ni Binoe at masaya itong yumakap sa kanya.
“Si Binoe ang nag-announce ng name ko kasi siya ang winner last year, ‘di ba? Hindi ko ini-expect na manalo kasi alam kong mas maraming magagaling sa akin at mas deserving to win. I was there because I wanted to support and thank the Manunuri para sa pag-nominate nila sa akin sa isang
comedy movie.
“Doon lang kami ulit nagkita ni Binoe after a long time. I admit na medyo nailang pa ako pero because of what happened. Still, umiral pa rin ang pagiging magkapatid namin at talaga namang na-miss namin ang isa’t isa. Hindi lang naman si Binoe, pati na ang buong pamilya namin,” ang paglalahad ng Urian Best Actor this year.
Inialay ni Rustom ang kanyang best actor trophy sa kanilang ina na si Ms. Eva Cariño-Padilla. Matagal na raw na hindi ito nabibisita ni Rustom at baka gawin na niya ito very soon.
“I want to surprise them lalo na si Mama,” diin ni Rustom. “Miss na miss ko na siya pati na mga pamangkin ko. After me winning [sic], pakiramdam ko na kailangan marami nang magbago sa buhay ko. May mga blessings na dumating sa akin at gusto ko i-share iyon sa aking pamilya.”
Inamin ng dating housemate ng Pinoy Big Brother ang pangungulila nito sa pamilya.
“Naisip ko nga na kung matalo ako sa gabing ito, uuwi ako na masaya pa rin because may mga naniwala sa akin. Pero malungkot because wala akong pamilya na mauuwian. Kung manalo man ako, still, I need a family to share it with. Mas maganda kasi na ka-share mo ang pamilya mo sa success, ‘di ba? Mabuti na lang that Binoe was there and in his own small gesture, napasaya niya ako. I know that he’s just part of the big family na meron kami.”
Magsisimula na ngang mag-assistant director si Rustom para kay Chito Roño sa GMA Film horror na Dagaw kung saan bida sila Richard Gutierrez at Marvin Agustin. At kasama na rin sa plano ang pagsisimula na ring magdirek ni Rustom ng sarili niyang movie. Sa mga hindi nakakaalam, nag-aral ng film directing sa US si Rustom.