PNS — Sa pakikipag-usap sa aktor na si Diether Ocampo sa set ng kanilang soap opera na Margarita sa Malate, masasabing mas open na siya sa pagbibigay ng paliwanag sa pagpapawalang- bisa ng kasal nila ni Kristine Hermosa.
Ayon kay Diether, mali ang nalalaman ng iba tungkol sa petition na isinampa ng kampo ni Kristine noong June 21, 2005. Hindi raw ito annulment kundi isang nullification.
“Ang annulment kasi, kapag legal kayong kasal at pinapawalang- bisa n’yo. Ang nullification is dyina-justify n’yo na ang kasal is not valid to begin with. Bale yung sa amin is nullification, ” giit ni Diether.
Mahigit dalawang taon na rin daw simula nang maghain ng petition si Kristine sa Lower Court. Pero ayon kay Diether, hindi pa rin daw siya masyadong makapabigay ng detalye dahil hindi pa raw tapos ang kaso.
“Sa Lower Court kasi, nullified na. Kumbaga, not valid to begin with. Parang walang nangyaring kasal. Tapos, nag-apela ang Solicitor General. Kasi trabaho niya ‘yon, e. Ang trabaho ng Solicitor General, any case na ipapasa pagdating sa kasal, poprotektahan niya ‘yan, e. Mag-aapela siya at kapag nag-apela siya, kailangang mag-submit ng bagong requirements ang petitioner, which is yung grupo nila Kristine ‘yon.
“So ngayon, nasa Court of Appeals na siya. Kapag ang Court of Appeals nag-agree lang sa decision ng Lower Court, tapos na. In case na hindi, meron pa sa Supreme Court. So, ang tagal din,” mahabang paliwanag ni Diether.
Papaano masasabing hindi valid ang kasal nina Diether at Kristine gayong nasa edad na sila nang magpakasal sila noong September 12, 2004, at nagsama rin sila bilang mag-asawa?
“Hindi, hindi kami nagsama,” pagtanggi ng aktor. “Yung reason kung bakit hindi siya valid, ‘yon nga ang ayaw naming i-discuss dahil may mai-implicate na tao. May legal implication ‘yon. Kung talagang gusto n’yong malaman ang detalye, tanungin n’yo ang grupo nila Kristine. Kasi ako, kumbaga, kinu-contest ako diyan. Kumbaga sila, nilalaban nila ang technical irregularities. ”
NO REGRETS. Bagama’t ramdam niya ang hassle na dulot ng pagpapawalang- bisa ng kasal nila ni Kristine noon sa Nueva Ecija, wala raw pagsisisi si Diet.
“Hindi ako nagsisisi,” sabi ni Diether. “You only live once. You learn something from it. Life goes on. Wala namang nabago sa akin. I mean, if ever, parang it even made me wiser. I know better. Kasi wala naman akong experience sa pagpapakasal, e.”
Samantala, consistent pa rin si Diether sa pagsasabing wala silang commitment ni Kristine ngayon. Kahit na naniniwala pa rin ang marami na sila pa rin at tipong put-on lang nilang dalawa ni Kristine na wala na sila.
“Actually, bahala kayo on what the term you want to use, pero parang ano nga, e…ngayon, we are in full liberty in doing whatever we want. Kasi nga, kung mapapansin n’yo, people get confused kasi technically talaga, we’re not together.
“Pero we still go to the same church. Kapag wala akong trabaho, ‘O, labas tayo.’ So people get confused kasi they still see us together. At kapag nakita kaming magkasama, iba ang iniisip nila,” saad pa ng aktor.
Kung tuluyan bang ma-nullify ang kasal nila ni Kristine ay may plano pa rin si Diether na gawing legal ang lahat?
“Supposedly, that’s really the plan unless na magkaroon ng changes. Bottomline is, kung may ganyang set-up, sino ba ang huling magdedesisyon? Yung babae, di ba?” sabi niya.
Taliwas sa mga naglalabasang balita na hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang relasyon niya sa pamilya ni Kristine, sinabi ni Diether sa PEP na okay na raw ito at may communication siya sa mga ito.
“Okay rin si Kristine sa kanila ngayon,” dagdag ni Diether. “Mas okay…kasi, they really spend time together. They travel a lot. Mas nagkaka-bonding sila.”
SEPARATE LIVES. Nang usisain namin kung totoong nag-e-entertain na ng ibang suitors si Kristine, sinabi ni Diether na si Kristine na lang daw ang tanungin tungkol dito. Pero pagdating daw sa mga bagay na ganito ay pareho silang open. No hard feelings, if ever man na may makitang iba ang sinuman sa kanila.
Sinagot din ni Diether ang isyung madalas makita si Kristine kasama si Oyo Sotto at may instances pa raw na nakitang naghahalikan ang dalawa. Si Diether naman daw ay meron na talagang non-showbiz girlfriend.
“Oo nga, may naglabas na ganun,” sabi ni Diether. Pero sa akin, yung non-showbiz, wala. Hinahanapan lang nila ako, wala silang makita sa akin. So, pangit naman siguro kung isang anggulo lang ang nakikita. Ako, ayokong mag-insinuate or mag-point ng fingers, pero imposible ang sinasabi nilang I’m seeing someone kasi wala, e. I’ll be open naman about it. Ayoko ng patagu-tago. Sila [Kristine and Oyo], hindi ko alam what’s the real score.”
Pero hindi ba nila napag-uusapan ni Kristine ang isyu about Oyo?
“Kasi si Kristine naman, very open naman siya sa akin pagdating diyan. Kung ano ang sinabi niya, ‘yon lang. Naniniwala naman ako. Sabi niya, wala. E, di wala! Pero para sa akin, you still have to ask the people involved.
“Yung sa naghahalikan, I know her so well. She’s not the type so definitely, I will defend her. Unang-una, kung may ganun mang isyu, ang dapat sumagot diyan si Oyo, or kung sinumang lalaki. Kung meron man, actually, all they have to do is just to be open. Anyway, who’s stopping them? Wala naman, e,” rason ni Diether.
Once and for all, ano ba talaga sila ni Kristine ngayon? Sila pa rin ba or wala na?
“Wala na naman talaga, e,” sagot niya. “We’re so open. I only want her happiness. I’m not a selfish person. But I still care for her and I still love her so much. Kapag nasaktan siya, ako ang unang makakalaban. ”
Bakit kailangang tapusin nila ang kanilang relasyon kung mahal pa rin nila ang isa’t isa?
“She asked for it, e,” sambit ng aktor. “We have to respect the girl’s decision. She’s still so young and she wants to take it slow. Siya yung nagsasabi na, ‘I want to take it slow.’ E, ako, I’m matured enough and I know exactly what I want in life.”