Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Wendy deny she is on with Bruce

Posted on September 7, 2007

PNS –Ang pagte-taping pa rin ng kanyang first soap opera na Margarita ang pinagkakaabalahan ng pinaka-controversial housemate sa nakaraang Pinoy Big Brother Season 2 na si Wendy Valdez. Pero ayon kay Wendy, happy naman daw siya sa nagiging takbo ng show nila.

Aware din daw siya sa ilang write-ups sa kanya na pinupuna ang klase ng pagsasayaw niya sa Margarita. Ayon sa write-ups, kailangan pa raw niyang pagbutihan ang kanyang pagsasayaw o di kaya ay mag-dance workshop siya, lalo pa nga’t star dancer ang role niya sa naturang soap opera ng ABS-CBN.

Sagot naman ni Wendy, “Hindi naman talaga ako magtataka dun. Kasi, hindi naman talaga ako dancer, singer naman talaga ako. Pero kunwari, plinano kong mag-workshop, hindi ko rin mapagsasabay sa taping.

“Ang nangyayari sa akin, yung rehearsal at taping, napagsasabay- sabay ko na. Siyempre, magpapahinga pa ako kaya hindi rin ako makakuha ng time para mag-workshop. Hindi naman talaga yung pagsasayaw lang ang focus ng Margarita, e, part lang siya,” paliwanag ni Wendy.

Dagdag pa niya, ang pangit din daw siguro na sobrang tutukan niya ang dancing skill niya, pero pagdating sa aktingan ay bopol naman siya.

“Kumbaga, bakit hindi na lang kaya ako mag-ASAP kung puro dancing lang ako or singing, di ba?” rason niya.

Hindi ba siya nao-offend sa mga ganung komento sa kanya?

“Ay, hindi!” sambit niya. “Kasi parang yung mga tao naman talaga, bisyo nilang talaga na maghanap ng mali sa kapwa nila. Alam ko na talagang maghahanap sila ng ganyan. So, parang… Like, sinabi ko nga, hindi naman ako dancer kaya hindi ako nagugulat.”

MISQUOTED. Okay lang daw siya kahit na ano ang isulat sa kanya, huwag lang daw yung tipong may dinadagdag sa sinasabi. Ibinigay niyang halimbawa ang nakaraang nabasa niya tungkol sa statement niya sa five-million pesos at ang kaya niyang gawin kapalit nito.

“Okay lang sa akin ‘yang one-liner na nilalagay nila sa akin. Pero ang problema kasi diyan, kinukulangan at iniiba. Noong isang beses na nagbasa ako, yung sinabi ko, iniba kaya napipikon ako. Kaya sabi ko, ‘Naku, ipagdadasal ko na lang ang mga taong ‘yon.’ Naiinis talaga ako sa ganun.

“Kasi, noong last time na na-interview ako,” patuloy niya, “ang nakalagay kasi kung sa five million ay papayag akong magsayaw. Kaso, ang inilagay doon kung sasama ako sa DOM at makipag-one night stand. Naloka ako dun! Tapos, ang nakalagay pa dun, sumama raw ang loob ni Bruce [Quebral] sa ganun. Nakakainis siyempre!”

RELATIONSHIP WITH BRUCE. Speaking of Bruce, ano na ba ang estado ng relasyon nila ng co-housemate niya sa Bahay Ni Kuya? Marami kasi ang nalalabuan sa tunay na relasyon nila.

Kung noong nasa PBB house ay tila may pagkakaunawaan na sila, ngayon ay tila pinalalabas nila na wala silang anumang romantic relationship. Bakit nagkaganun?

“Hindi naman kami at hindi rin naman kami sa PBB,” sabi ni Wendy. “Kahapon nga niloloko ko siya, ‘Balikan mo na nga lang ang ex mo.’ Niloloko ko lang naman siya. Tinitingnan ko lang kung ano ang isasagot niya. Pero wala lang, parang nagtampo siya na bakit daw ganun.”

Paniwala ng marami, even their co-housemates, sila na naman ni Bruce.

“E, kasi nga, kami ang palaging magkasama,” paliwanag ni Wendy. “Pero kahit naman sa loob, wala naman kaming kinu-confirm. Alam naman ‘yon ng mga nanood na wala naman talaga kaming kinu-confirm na kami.”

Pero hindi ba’t pareho silang umamin na gusto at mahal nila ang isa’t isa?

“Ang hirap kasi! Basta ang hirap! Lalo na ako, ang dami ko kasing iniisip. At saka kapag nagwu-work ako, ‘yon nga, kahit mag-text, hindi ko magawa. Siya rin naman, ang dami niyang pinuproblema ngayon. So parang kami, hugutan lang ng lakas ng loob sa isa’t isa,” sabi niya.

May ibang nanliligaw ba sa kanya?

“Naku, wala akong masyadong panahong magti-text. So, wala akong time na mag-entertain, ” sagot ni Wendy.

Simula raw nang nakalabas siya sa Bahay Ni Kuya, wala pa naman daw masyadong pagbabago sa kanya. Financially ay nasa point pa lang daw siya ng nag-i-invest pa lang, tulad halimbawa sa mga damit at gamit na kakailanganin niya.

“Siyempre, kaibahan lang talaga ngayon, iba talaga kapag nasa real world ka na. Mas marami ka nang taong nakakausap,” sabi niya.

Wala ba siyang na-encounter na tipong galit talaga sa kanya or pinakitaan siya ng hindi maganda?

“Wala namang nang-aano sa aking mga tao. Doon lang sa Internet daw… Pero hindi naman ako nagbabasa. Hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahon. Ako ang pinag-aaksayahan nila ng oras!” natatawang biro ni Wendy.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme