Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Regine Velasquez talks about going bra-less

Posted on August 17, 2007

PNS — Nang-aagaw ng atensiyon ang nagmumurang dibdib ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa TV commercial ng Belo Essentials na idinirek ng anak ni Dra. Vicki Belo na si Quark Henares.

Napansin din daw ‘yon ni Regine, na sa kanilang tatlo nina Zsa Zsa Padilla at Lucy Torres-Gomez—na endorsers ng newly launched whitening products ni Dr. Belo—ay ‘yung suot niyang white gown ang may pinakamalalim na neckline kaya halos lumuwa na ang kanyang masaganang dibdib.

Sa press launch ng Belo Essentials sa Kimono Ken restaurant sa Tomas Morato Ave., Q.C. ay hiningi ang reaksiyon ni Regine sa dayalog ni Dr. Vicki na “Regine’s boobs are very real! It’s totally hers!”

Proud na sagot ng Songbird, “Yeah, it’s all mine! It’s real!”

Talaga bang hindi napakialaman ng siyensiya ang malulusog na dibdib niya?

“Hindi. Gusto mo hawakan mo, baklah? Try mo!” pabaklang hirit sa amin ng Songbird, sabay lapit sa amin ng kanyang upper bumpers.

BRALESS. Maraming nakakapansin na sa tuwing naka-sexy outfit si Regine ay lagi siyang walang suot na bra. Gaya nung presscon na halatang wala siyang suot na pang-ilalim kaya bumabakat ang dapat bumakat.

“E, kasi, hindi pa naman ako nanganganak, so habang nakatayo pa siya, patayuin, di ba?!” tawa niya.

“Hindi…kasi, I had experiences with strapless bras na nandito na sa baba ‘yung dede mo. So, I hated it. And I really don’t like wearing it, kasi masakit, mabigat, tapos meron pang wire.

“And there are clothes kasi, there are dresses, na pangit pag nakabakat [‘yung bra]. Dapat seamless. So, I got used to not wearing [a bra]. But I don’t think it’s a big deal ‘though. Kasi, kahit nung bata pa ako, I never liked it,” paliwanag ni Regine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba siya naku-conscious na pag plunging ang neckline niya at braless siya, kadalasan ay bakat na bakat ang nipples niya?

“Kasi, mas bumabakat ‘yung bra. Sa akin, mas normal naman ‘yung nipple, e! ‘Di ‘yun na lang ang bumakat! Kesa naman ‘yung bra, di ba?” tawa niya.

“At saka hindi ko naman kasi siya pinapansin, e. Malay ko ba sa kanya [nipples niyang bumabakat]? Hahaha!

“It’s not that I’m confident about it. But there are clothes kasi talaga na pangit pag merong bumabakat sa likod. Gusto ko kasi, ‘yung effect na seamless.

“But sometimes, I do wear mga nipplets. Pero sometimes, bumabakat din ‘yun, e. So, it’s uglier. Kaya you just leave it like that. E, ‘yon naman ang normal, e,” sabi pa niya.

According to Regine, marami siyang bra pero nagsusuot lang siya nito pag naka-T-shirt siya. Pag naka-dress siya, lalo na pag gown, ay ayaw niyang nagba-bra. Asiwa siyang nakikita ‘yung strap nito at nasisira raw ang form ng damit.

Twice na siyang napadalhan ng memo ng MTRCB dahil sa kanyang mga revealing na damit pero na-explain naman daw niya kay Chairman Consoliza Laguardia na formal gown ang suot niya at hindi naman siya naka-mini skirt na bumubuka-bukaka sa telebisyon.

OGIE’S REACTION. Anong sinasabi ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid pag ganun ka-revealing ang outfit niya?

“Nasa-shock lang siya. ‘Are you gonna go out like that?’ Sinasabi ko, ‘Yeah!’ Sagot lang niya, ‘Ah, okay!’ ‘Yon lang ang sey niya,” kuwento ni Regine.

So, hindi pala istrikto si Ogie sa kanya pagdating sa kanyang pananamit?

“Hindi. Actually, ang nanay ko nga ‘yung mas strict, e,” sabi niya.

Type namin ang pagkaka-deliver ni Regine sa TV commercial nung tagline ng Belo Essentials na “Only Belo touches my skin. Who touches yours?”

So, who touches hers nga ba?

“Belo Essentials nga! ‘Yun na nga ‘yon. Belo na nga!” tawa niya, na nakahalatang naughty ang tanong ng PEP.

Contrary to popular belief na dating hindi maputi at makinis si Regine at pumuti lang ito dahil sa kakainom ng Glutathione (isang popular whitening pills), truth is noon pa raw siya maputi.

“I’m actually white ever since. But I like to go under the sun kasi. I like being sun-tanned. I don’t even know that [Glutathione] . I’ve never taken anything for my skin!

“As a matter of fact, I always go under the sun. Pero talagang white ako all over. And I’m proud of my kili-kili, dahil maputi talaga siya.

“Nung shooting namin ni Piolo [Pascual] ng movie namin [Paano Kita Iibigin], nagpaka-tan ako. At ang Belo Essentials ang ginamit ko para bumalik ulit ‘yung kulay ko,” subtle promo pa ni Regine.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme