Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Vhong mum on his love life

Posted on August 5, 2007

PNS — Tikom ang bibig ng comedian-host- actor na si Vhong Navarro, kahit na ilang ulit siyang tinanong ng staff ng The Buzz ukol sa umano’y relasyon nila ng aktres na si Desiree del Valle.

Sa presscon na ginanap kahapon, August 3, para sa bagong endorsement ni Vhong, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN compound, pilit na inililihis ni Vhong ang kanyang sagot upang makaiwas sa mga tanong tungkol sa kanila ni Desiree del Valle.

Unang tinanong kay Vhong�ay kung happy ba siya sa relasyon nila ni Desiree.�Malayo ang naging sagot ng aktor. Pabirong hirit niya, “Happy ako sa commercial ko with Enervon dahil matagal ko nang pangarap ito.”

Sumunod naman ay tinanong kung kumusta na ang kanyang love life at ang sagot ng komedyante ay, “Ako ngayon ay masaya dahil maraming trabaho, maraming projects, so maraming projects.”

At sa huling pagtatangkang makakuha ng diretsang sagot, tinanong ng staff ng The Buzz kung paano magmahal si Desiree. Sa halip na sagutin ay inilarawan ni Vhong ang kanyang relasyon sa kanyang mga anak sa kabila ng kanyang pagkaabala sa trabaho.

Aniya, “Kumbaga mapagmahal ako sa mga anak ko talaga so every weekend lagi kaming nagsasama, nagma-malling kami, nanonood kami ng sine. Bihira ko na nga lang sila makita so kapag may pagkakataon na makakasingit o talagang ito ang panahon na talagang pahinga ko, kasama ko talaga sila.”

Sa bandang huli, ipinaliwanag ni Vhong na ayaw na muna niyang magsalita tungkol sa kaniyang love life dahil kasalukuyang tumatakbo pa ang kanyang annulment case sa dating asawa na si Bianca Lapus.

At nang tanungin kung may balak ba siyang magpakasal muli kung sakaling mapawalang-bisa ang kasal niya kay Bianca, hindi tiyak ang naging sagot ni Vhong.

Paliwanag niya, “Siguro sa ngayon hindi ko pa masasabi ang kasal kasi ongoing nga ang annulment ko. Parang siguro after my annulment, maayos na, matatapos na, siguro gusto ko muna ng kahit papaano, e… Hindi ko sinasabing i-enjoy ‘yung freedom, di ba, ang ibig [sabihin] lang ay huwag muna.

“Ang pagpapakasal kasi ay hindi na biro yan dahil ako, galing na ako diyan. As long as mahal mo iyong tao, nandiyan siya, maaayos iyon, mapaghahandaan. Kasi bihira lang mangyari sa buhay mo iyon, dapat mapaghandaan. Kumbaga, engrande iyon, engrande.”

Bukod sa bagong endorsement, regular na makikita na si Vhong sa darating na Setyembre para telefantasyang Lastikman. May balita rin na maaaring muling ibalik ang kaniyang show sa Studio 23 na Wazzup, Wazzup.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme