PNS — “At first, I am hesitant to accept the offer to be one of the hosts of Showbiz Central. Pero nang i-explain nila sa akin kung ano ang concept ng show, naintriga ako kaya tinanggap ko,” sabi ni Raymond Gutierrez sa launching cum press con ng bagong showbiz talk show ng GMA-7 kagabi, April 25 sa Annabel’s restaurant.
“Ibang-iba ang concept ng show, and I’m excited and challenged. This will be a big change in my hosting career,” natatawang wika ni Raymond.
“For sure, I’ll be a regular viewer of ‘Chika Minute’ of my co-host Pia Guanio, magbabasa ako ng blog ni John [Lapus] at manonood din ako regularly ng Startalk every Saturday, para alam ko ang latest news. Nanonood naman ako dati ng mga talk shows, pero hindi masyado. This time, I will give extra effort, I will do my homework,” pangako pa niya.
Mas hard-hitting and hardcore showbiz news ang itatampok nila sa Showbiz Central, pero paano kung si Raymond naman mismo ang maintriga?
“I guess I will cross the bridge when I get there,” sabi niya. “Before, I’ve encountered na yung mga intriga. Hindi lang ako, ang buong family. Pero siguro, dahil isa kaming showbiz family, nalampasan na namin ang pinaka-harsh na mga intriga, naayos na namin lahat ‘yon, hindi kami nagpapaapekto. As much as possible, we clear it, and if it’s not true, we just ignore it.”
Si Raymond ay galing sa angkan ng isa sa pinakasikat na pamilya sa showbiz. Ang mga magulang niya ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kakambal niya si Richard Gutierrez, at kapatid din niya si Ruffa Gutierrez-Bektas.
Starting Sunday, April 29, direktang magkakatapat si Raymond at ang kanyang Ate Ruffa dahil na-extend pa ang pagiging co-host ni Ruffa sa The Buzz, na siya namang makakatapat ng Showbiz Central. Si Ruffa ang pansamantalang pumalit sa naka-maternity leave na si Kris Aquino.
Ano ang sabi ng kanyang Ate Ruffa at ng kanyang family tungkol sa paghu-host niya ng Showbiz Central?
“Ate Ruffa is excited and very happy for me,” sabi ni Raymond. “She’s very supportive, at kahit ako, excited din dahil never naming inisip na magku-compete kami sa paghu-host, but it will be a healthy competition. Sabi niya, ‘Just be yourself, don’t be afraid to ask questions, and relax.’ Ganoon din ang sinabi sa akin nina Mommy at ni Richard. In fact, nang tanungin ko si Richard tungkol sa offer to host Showbiz Central, sabi niya, ‘Go for it!’ I promise them that I will be calm and collected, I’m willing to learn.”
Ano ang bago nilang ipakikita sa Showbiz Central?
“One is may Central Jury kami, na mga showbiz authority, at live silang mag-i-interview ng mga guests. We want the audience to be more involved kaya lumipat kami sa mas malaking venue, sa GMA Broadway Studio,” very excited na sabi ni Raymond.
“I don’t want to focus on my style dahil sino ba ang interesado sa mga isinusuot namin? Mas gusto naming magbigay ng new stories. Ida-download din namin ang global news at least hours before the show.
“Ang younger audience ang target ko. Sina Pia at Sweet, may kani-kanila rin silang segment na ipakikita. Bago pa lang kaming nagsasama-samang tatlo, pero nakita ko nang maalaga sina Pia at Sweet. Si Pia, very relatable, very smart, and very sweet. Si Sweet, talagang sweet siya and funny,” panghuling pahayag ni Raymond