Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Bianca not insecure with Venus

Posted on February 5, 2011

PNS — NILINAW ng bida sa Juanita Banana na si Bianca Manalo ang isyu na diumano’y insecure siya sa pagpasok sa ABS-CBN ng kapwa beauty queen na si Venus Raj. Hindi rin daw niya alam kung bakit may ganu’ng isyu.

“Friends kami ni Venus. Wala kaming problema. Pareho kaming produkto ng Binibining Pilipinas kaya naloloka ako sa sinasabi ng iba na may isyu sa amin ni Venus,” katwiran ni Bianca.

Hindi rin daw totoong insecure siya sa pagpasok sa Kapamilya network ni Venus.

“Wala namang ganu’n. Bakit naman ako mai-insecure. Hindi naman kami naglalabanan dito. Nagta-trabaho lang naman kami pareho. Sana huwag na nila kaming intrigahin, kasi wala talagang isyu,” pagdidiin pa ng dating Bb. Pilipinas-Universe.

SAMANTALA, huling dalawang linggo na lang ng Juanita Banana sa ere at hindi maitago ni Bianca ang lungkot at saya sa nalalapit nitong pagtatapos.

“Hindi po ako makapaniwala na ’eto na nga po, patapos na ang Juanita Banana. Ang dami-dami ko po talagang natututunan dito mula sa direktor ko hanggang sa mga nakasama kong artista.

“Malungkot na masaya ang pakiramdam ko dahil nairaos namin nang mahusay ang show pero mami-miss ko nang sobra ang mga taping days namin,” pahayag ni Bianca.

Sa Juanita Banana nahasa ang talento sa pagpapa-tawa ni Bianca kaya naman masasabing may puwesto na rin ang dalaga sa mundo ng komedya. Pagkatapos ng Juanita Banana, may mga nakaabang na agad na proyekto para kay Bianca.

Sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial, nabusog nga ng masarap na kuwento ng serye ang mga Kapamilya viewers.

Sa nalalapit na pagtatapos nito, mas sasarap pa at mas tatamis ang takbo ng istorya. Sa huling dalawang linggo ng panghapong serye, haharapin ni Juanita ang mga pagsubok sa loob at labas ng punso.

Makakatuluyan kaya nito si Rikitik (Matt Evans) at tuluyan nang magiging prisesa nito? O magiging sila pa rin ni Joaquin (Rodjun Cruz) at mananatiling Reyna ng Maruya?

Kasama rin nga pala sa Juanita Banana sina Dulce, Lito Pimentel, Katya Santos, Isay Alvarez at marami pang iba.

Ang sweet finale ng Juanita Banana ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Malparida sa ABS-CBN.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme