PNS — Nakausap din namin si Joel tungkol naman sa latest intriga sa kanila ni Lovi Poe.
Nang makapanayam kasi ang tinaguriang Lord of Scents sa Paparazzi, nasabi niyang mas bumebenta ang perfume ng isa nilang endorser na si Ronnie Liang kesa sa nasabing young actress.
Ito umano ang dahilan kung bakit hindi na ni-renew pa ng Aficionado ang kontrata ni Lovi bilang endorser.
May balitang nasaktan ang kampo ni Lovi sa sinabing ito ni Joel pati na rin ang manager ng young actress na si Leo Dominguez.
Ayon kay Joel, hindi niya direktang sinasabi na hindi naging mabenta ang pabango ni Lovi. Natanong daw siya kasi na parang something like “you mean to say, mas mabenta ang pabango ni Ronnie?”
“Tinanong lang naman ako and siyempre, ’pag nandu’n ka sa ganu’ng posisyon na tinatanong ka ng mga host, siyempre, paano mo sasagutin ’yung ganu’n? Basta ako, in all honesty, sasagutin ko na lang kung ano ’yung tama. Kaya sa mga tanong na ganito, maiipit ka na lang talaga, ’yung ganu’n.”
Hindi naman daw niya direktang sinabi na hindi bumebenta ang brand ni Lovi at nagkaroon lang talaga ng comparison because of the question.
Nonetheless, humihingi raw siya ng paumanhin kay Lovi at sa manager nitong si Leo kung nasaktan ang mga ito dahil wala raw siyang intensyong ganu’n at mahal na mahal niya ang young actress.
Kung hindi man daw na-renew si Lovi, ito ay dumaan sa isang proseso kung saan ay hindi lang siya ang nagdedesisyon. Napakarami raw nila sa board at idinadaan daw sa botohan.
Pinag-aaralan daw ng buong board ang pagre-renew sa kontrata ng certain endorser pati na rin ang lahat ng product na bumebenta at hindi.
But definitely, nakatulong naman daw si Lovi sa Aficionado, magaan ang pinagsamahan nila at maayos daw ang kanilang naging paghihiwalay.