PNS — Tinupad ni President Noynoy Aquino ang kanyang pangako sa kapatid na si Kris Aquino na dadalo siya sa premiere night ng Dalaw na ginanap sa Trinoma last Sunday.
Sa kabila ng hectic schedule ng Pangulo ay ipinagpasalamat ni Kris na talagang binigyan siya ng oras ng kapatid para panoorin at suportahan ang movie.
Same with her other siblings na sina Ballsy, Pinky at Viel.
Sa nasabing okasyon ay inaabangan ng lahat kung sino ang ka-date ni P-Noy pero wala itong kasama at sa halip ay siya nga ang nagsilbing date ng bunsong kapatid.
Ang intriguing moment ay nang dumating din si Liz Uy na as we all know ay na-link kay P-Noy at naging hot item din sila for a while pero hindi na nga ngayon dahil hindi natuloy sa isang relasyon ang panliligaw ng presidente.
Hindi namin nakitang pumasok si Liz, pero nakita namin ang kanyang paglabas ng sinehan. Magkahiwalay sila ng upuan ni P-Noy at magkahiwalay din silang lumabas.
Nauna ang presidente at huling-huli lumabas ang stylist.
Habang bumababa si Liz kasama si Deo Endrinal (isa sa producers ng Dalaw, manager ni Kris at business unit head ng ABS-CBN), pinagkaguluhan ng TV crew ang stylist para hingan ng pahayag.
Pero as always, ayaw magsalita ni Liz at ang narinig lang naming sinabi niya ay kasama raw siya ni Deo.
Halatang na-tense si Liz sa press na nagtatanong dahil habang lumalakad siya palabas ng sinehan ay hindi niya namalayang mali ang exit na dinadaanan niya at hindi na niya kasabay si Deo.
Kaya naman bumalik siya ulit para habulin ang kasama na hinihintay siya sa kabilang exit.
Anyway, aside from Kris ay dumating din ang iba pang cast ng Dalaw tulad ng leading man na si Diether Ocampo, ang gumaganap na mapaghiganting multo na si Karylle kasama ang inang si Zsa Zsa Padilla at best friend na si Iza Calzado at ang isa sa supporting cast na si Empress Schuck.
Kasama rin sa cast sina Gina Pareño, Ina Feleo at Alessandra de Rossi pero hindi namin sila namataan kaya hindi namin alam kung nakarating sila.
After watching the movie, we’d say na may laban naman ang Dalaw sa iba pang entries ng Metro Manila Film Festival, lalo pa nga’t dalawa lang sila ng Shake Ratte & Roll XII na naglalaban sa horror genre.
Ang fearless forecast ng lahat ay papasok ito sa Top 5 sa box-office.