Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Cristine to Sarah: Sorry!

Posted on December 22, 2010

PNS — Kung gaano ang pagkagulat namin sa pagla-lambast na ginawa ni Cristine Reyes kay Sarah Geronimo sa kanyang Twitter account na Pilyang Sweet, napalitan naman ito ng paghanga nang mag-apologize siya sa kanyang Twitter account pa rin last Sunday.

“Sa mga nasaktan, sa mga nadamay na tao pasensiya na po, naging emotional & impulsive po ako. sana maunawaan niyo po. Maging peaceful na sana ang pasko nating lahat. Sana wala na po manggatong at pagdasal niyo na lang po na maayos namin. Kami lang po ang dapat mag-ayos nito. kami lang po,” ang nilalaman ng tweet ni Cristine.

Hinahangaan namin ang young actress sa pag-amin sa kamalian at siyempre, ’pag ganito namang humihingi na ng dispensa ang isang tao, we see no reason para hindi ito tanggapin ng mga taong kanyang nasaktan, partikular na ni Sarah.

Although may kasabihang “the damage has been done,” still hindi naman siguro maituturing na krimen ang ginawa ni Cristine at deserving pa rin namang patawarin ang aktres.

Samantala, sa The Buzz last Sunday, nagsalita na rin si Rayver Cruz na siyang puno’t dulo ng gusot nina Cristine at Sarah.

In fairness kay Rayver, nagpakalalaki naman siya na akuin ang kasalanan sa nangyaring gulo.

Inamin niya na siya ang nagbalita kay Cristine tungkol sa sinabi ni Sarah sa ASAP XV rehearsal na ang magagaling sumayaw ay habulin ng mga seksing babae.

“I take full responsibility for everything kasi nga alam ko naman na tama ang ginawa ko. Naging honest lang ako sa girlfriend ko and lahat naman ng bagay bago ko ginagawa, pinag-iisipan kong mabuti,” pahayag ni Rayver sa The Buzz sa panayam kay Boy Abunda.

Inamin din ng young actor na totoong minahal niya si Sarah, pero dahil nirerespeto raw niya ang mga magulang ng aktres-singer at ang desisyon nilang hindi pa puwedeng makipagrelasyon ang kanilang anak ay siya na raw ang kusang lumayo.

“Pero napakasuwerte ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya pagdating ng tamang panahon, kasi po napakabuting tao talaga ni Sarah.

“Pero sa kabila ng lahat, napakasuwerte ko pa rin po ngayon kasi alam kong may taong nagmamahal sa akin nang sobra at may taong mahal ko nang sobra-sobra,” say pa ni Rayver na, obviously, ang tinutukoy ay si Cristine.

Ayon pa sa young actor, hindi niya sinaktan si Sarah nang time na na-link sila.

“Pinalaki ako ng magulang ko, lalung-lalo na ng tatay ko, na huwag gumawa ng kamalian o kasalanan sa isang tao kaya wala akong anumang intensyong makasakit o makasama ng loob sa kapuwa nating tao, lalung-lalo na kay Sarah,” seryosong sabi ni Rayver.

Sa bandang huli, hiningan siya ng mensahe for Sarah at heto ang pahayag ng batang aktor: “Kailanman, wala akong intensyon na saktan ka at sa kabila ng sinasabi ng lahat ng tao, sana ako ’yung paniwalaan mo na nirerespeto talaga kita.”

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme