Ulat ni Arvel Malubag ng Pusod Inc.
Lungsod ng Lipa, Batangas- May kadalian nang tukuyin ngayon ng mga komunidad, bantay-gubat at mga kasapi ng Lipa City Head Water Council (LCHWC) ang aktuwal na pigura at kalagayan ng Bundok Malarayat sa pamamagitan ng pagsasamapa nito ng 3Dimensional Mapping na pinagtulungang buuin ng mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangalaga ng Bundok Malarayat at ilang kasapi ng LHWC.
Ang pagsasamapa ng Bundok Malarayat sa anyo ng 3D Map ay isinagawa ng tatlong araw na nag-umpisa noong ika 6 hanggang ika- 8 ng Oktubre sa San Sebastian Retreat House sa Brgy San Isidro ng Lipa. Ito ay may sukat na 8.86 talampakang ang luwang at 9 na talampakan naman ang haba.
Sa panayam kay Pedro Latorre,pangulo ng Malarayat- Malepunyo Watershed Protection Council (MMWPC) at isa sa mga tumulong sa pagbuo ng 3D map ,mas madali na aniyang tukuyin at ituro ang mga dapat at hindi dapat gawain sa Malarayat. Ayon kasi sa Proclamation 842. 1935 pa nang idineklarang Forest Reserved Area ang bahagi ng bulubundukin na tinatayang 1,287 ektaryang sukat.
Ayon pa kay Latorre, magiging madali rin aniya umano sa grupo ng MMWPC ang mga gawain at pagpaplano sa pagbabantay ang bundok laban sa mga iligalista katulad ng mga nag-uuling,poachers at nagpuputol ng puno.
Samantala ang kaibahan ng 3D Map kaysa regular na mapa (Topographic map) ay kayang basahin at maintidahan umano ito ng lahat,may pinag-aralan man o wala ayon kay Rey Bae,isa ng eksperto at pangunahing nangasiwa ng pagsasamapa ng Bundok Malarayat.
“ Mahirap maunawaan ang Topographic map, nangangailangan ito ng pag-aaral upang maunawaan ang kahulugan ng mga linya. Ang gumagamit nito ay mga teknikal na tao lang. Ang 3D map ay madaling maunawaan ng bata at matanda, may pinag-aralan o wala”wika ni Bae.
Mahalaga aniyang kasama ang partisipasyon ng komunidad sa pagbuo nito. Paliwanag pa ni Bae na akma aniyang kasama lagi ang pamayanan sa pag-iisip, sa pagdidiskusyon at sa mga gawain. “Mas aangkinin nila ang proyekto at mas maaasahan natin ang kanilang suporta. Ang isang ‘di masyadong nakikitang kagandahan ng community-based mapping ay ang value ng pagkakaisa, pagtutulungan at teamwork”, ani Bae.
Sa ipinadalang kalatas o email naman ni Jasmin Villanueva, Forester ng DENR- Batangas, paniwala niya na mas malaki umano ang maitutulong ng 3D map kumpara sa ordinaryong mapa na iginuhit.
Sa wikang Ingles sinabi ni Villanueva na “It is advantageous for implementers in terms of proposing a certain project like for example a reforestation project. by merely looking at a 3D map, a project implementer can decide where to establish the refrestation project and other related activities, the duration of the implementation will be, considering the distance and the topography of the area and the manpower requirements of the project.
At a glance, it can also help in convincing decision makers to push or not to push with a pre-agreed plan of a certain project.”wika ni Villanueva.
Ayon naman kay Ella Lacorte ng Lipa City- Environment & Natural Resources Office (CENRO) malaki rin ang maitutulong ng 3D map sa pagmumuling gubat ng Malarayat. niya “Magaling siya at malaki ang maitutulong kasi magagamit sa planning process,madaling makikita kung anong lugar o elevation ng bundok ang dapat taniman ng tamang species.,wika ni Lacorte.
Habang isinusulat ang balitang ito, ang kabuuang 3D Map ng Bundok Malarayat ay maaaring Makita sa Brgy. Hall ng Sto Niño ng Lipa.
Ang nasabing pagsasamapa ng Malarayat ay pinangunahan ng Pusod Incorporated.isang makalikasang NGO at Philippine Tropical Forest Conservation Foundation Inc. (PTFCF Inc.)
“Ang mapa ay napakahalagang gamit sa paggawa ng plano ng pamayanan, pagtutukoy ng mga lugar at yaman ng lugar, pagsasaayos ng mga sigalutan sa mga hangganan, pakikipagdayalogo ng mga tao sa gobyerno o sa mga teknikal na tao”.pagtatapos na paliwanag ni Bae.