PNS — TULUYAN na bang nawalan ng pag-asa si Luis Manzano na maayos ang relasyon nila ni Angel Locsin?
Sa kabila ng pahayag ni Luis na sinisikap pa rin nila ni Angel na maayos ang lamat sa pagitan nila bilang magkaibigan, mukhang malabo na itong mangyari.
Usap-usapan ngayon na sumuko na raw si Luis sa pagsuyo kay Angel. Napag-usapan din ito ng hosts sa The Buzz. Binanggit sa nasabing talk show ang naging post ni Angel sa isang social networking site saying: “Girls mag-ingat sa mga manloloko!”
Nu’ng kinuha ng The Buzz ang panig ni Angel tungkol dito, malinaw ang kanyang mensaheng wala umano siyang pinatatamaan sa sinabi niya. ‘Yun lang daw talaga ang nais niyang iparating sa sinumang makakabasa ng post niya.
Agad namang binanggit ni Toni Gonzaga, host ng The Buzz, na maging si Luis ay may sarili ring post sa kanyang account sa isang social networking page na may mensaheng “abangan ang bagong Luis Manzano.”
From there, nagkaroon na ng iba’t ibang opinyon na kesyo nagpapakita ito na tuluyan nang tinuldukan nina Angel at Luis ang posibilidad na maayos ang kanilang samahan.
Sa panayam namin kay Luis kailan lang, itinanong namin sa TV host/ actor ang tungkol sa pagkaka-link ni Angel sa vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Agad sinabi ni Luis na hindi naman daw niya kinu-kumpirmang may ligawang nagaganap kina Chito at Angel. Ang alam daw niya, magkaibigan lang ang dalawa.
Well, siguro nga panahon na para mag-move on na silang pareho. Komento pa ng ilang tumutok sa love story na ito nina Luis at Angel, mahaba na rin ang panahong ibinigay ni Luis sa pag-asang maaayos pa nila ni Angel ang kanilang friendship, pero tila hanggang doon na nga lang ang lahat.
But wait, ano kaya ang dapat nating abangang pagbabago kay Luis?