Noong unang panahon Si haring Paidon ay isang engkantado na tumutulong sa mga tao sa look ng Maynila. Dito kasi dumadayo ang mga mangangalakal at mga tsino, dahil sa mahirap ang paglalakbay sa lupa patungo sa Maynila. Nag-iisang look lamang ito at napakadaling daanan at pasukan ng mga sasakyang pandagat. Dahil sa nakakaiba ang anyo at agos ng tubig dito, yun pala ang hindi alam ng mga tao na si haring Paidon ang tumutulong at nangangalaga sa ilog sa utos ni Haring Humanakdap na nakatira sa mataas na bundok.
Tahimik at masaya naman ang mga taong naninirahan sa look ng Maynila, dahil sa maraming nakakapasok na iba’t-ibang uri ng mga kalakal galing pa ng ibang bansa. Sagana, masaya at walang gulo ang mga tao na nakatira dito. Masaya naman si haring Paidon sa mga nangayayari at pagbabagong naganap sa Look ng Maynila. Ikinagagalak naman ni Hari Humanakdap ang kabaitan at didikadong pagmamahal ni Paidon sa look.
Ngunit ang masaklap at tinitiis ng matagal sa buhay ni Haring Paidon ay ang tinatago niyang pagmamahal kay Haring Humanakdap. At ito ang dahilan kung bakit ganon nalamang ang pagmamahal niya sa mga tao ng look. Umaasa siya na balang araw ay masusuklian ang kanyang paghihirap ng pagmamahal ni Hari Humanakdap at tatangagapin ang kanyang katauhan.
Isang araw biglang nagkakagulo ang look ng Maynila. Isang dayuhang babae ang biglang sumugod sa gitna ng pakikipagkalakan ng mga tao. Siya si reyna Shai’gin isang makapangyarihang dayuhang reyna na galing sa ibang bansa. Sumugod siya dahil sa napag-alamang ninakaw ang kanyang gintong salakot at kwentas na sa paniniwalang sa look ng Maynila napunta. Nagpadala ito ng mga mandirigmang sundalo at inikot ang mga bayan upang hanapin ang nawalang ginto.
Ang lahat ng sumuway ay pinapatay. Nalungkot si haring Paidon sa nangyayari. Nilikom ni haring Paidon at pinaliit ang pintuan ng agusan ng tubig, upang hindi kaagad makapasok ang mga mandirigma. Ngunit hanggang ganun nalamang ang maitulong niya. Hindi niya kayang mahawakan ang mga kaaway at tulad na lamang ng pagtapon nito sa tubig. Hindi niya kayang galawin ang isang tao, kaya iniwanan niya muna ang look at pumunta sa bundok upang maki-usap ni Haring Humanakdap. Ngunit nabigo narin siya sa payo ng Hari nang sabihan ito na magpalit siya ng ano mang anyo tulad ng tao at hayop upang makausap niya ang pinono ng mandirigma. Ngunit kapag ginawa niya ito ay mananatili siyang isang hayop o tao sa ginusto niyang anyo na panghabang buhay at kaylan man ay hindi na niya pwedeng makausap ang hari.
Umalis na malungkot at umiyak si Haring Paidon. Nagpaalam na rin siya sa kanyang mga kauri na babalikan niya ang look ng Maynila sa madaling panahon ngunit walang balak na magpalit ng ano mang anyo. Subalit kapag hindi naman niya mapasaya ang hari ay tuloyan na ring itaboy siya sa ibang isla at kailan man ay hindi na rin mabigyan ng gantimpala ng hari ayon sa kanilang kautusan. Ang pagbabantay sa look ng Maynilad ang kanyang kakaisang utos at ikaliligaya ng kanilang Hari.
Hindi nagtagal ay dumarahas na ang gulo sa look ng Maynila hanggang umabot sa iba pang isla sa Pilipinas. Ginawa narin ang lahat ng makakaya ni Haring Paidon tulad nga ng paglakas ng hangin, pagbuhos ng malalakas ng ulan at ang pagbagsik ng alon sa mga dagat, ngunit wala naman itong saysay dahil nasa kalupaan na ang mga pasaway na kalaban. Nang mabalitaan ni Haring Humanakdap ang pangyayari ay nag-iisip narin ito ng paraan upang maibalik ang magandang pamumuhay ng mga tao sa isla bilang isang Anito.
Nagpalit ito ng isang anyo na malaki at mahabang ahas. Sa Kabilang dako nagpalit narin ng isang anyong tao si Paidon. Isang makisig at guwapong binata, kung saan ay nahuhulog ang damdamin ni reyna Shai’gin. Hindi na naala-ala ni Haring Paidon ang lahat sahalip ay napaibig narin sa reyna.
Dito nagbago at nabigyan ng halaga ang buhay ni Reyna Shai’gin dahil ang napusoan niyang binata ay masasabing higit pang mahalaga kay sa nawala niyang ginto. Pinatigil niya ang gulo at unti-unting pinabalik ang mga mandirigma at inayos ang Maynila. Nagpadala pa siya ng maraming kalakal at tinulungan niya ang mga taong naghihirap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maliliit na negosyo. Mabilis na ring nagkasundo at nagkaayos ang mga tao.
Nagpakasal ang reyna at si haring Paidon. At sa araw ng kanilang kasal hindi nila alam na paparating ang isang malaking ahas na nagmula sa katauhan ni Haring Humanakdap. Gumapang pala ito mula sa malayong bundok ngunit sa sobrang init dumaan siya sa tubig at nakatulog ng tatlong buwan sa Laguna de bay. Nang gumising ito ay gumawa nalamang ng butas sa ilalim ng bundok upang maiwasan ang init. Umabot na rin ilang araw bago narating ang look ng Maynila.
Naging madugo ang araw ng kasal, dahil sa maraming tao ang nadamay at naging isang mahabang ilog ang dinaan ng malaking ahas. Nakipag-laban ang mga tao sa pamumuno ni Haring Paidon, hanggang sa nakatakas ang malaking ahas patungo sa malawak na dagat ng Tsina. Nalulungkot ang reyna at ang mga tao dahil sa nawawala na rin si haring Paidon. Mula noon tinatawag ni reyna ang ilog na Pashai’gin sa salitang banyaga na ang kahulugan ay nakakalungkot. Araw –araw ay tinatanaw niya at nilalakbay ng balangay ang ilog, nagbaka sakaling makita niya kahit ang katawan na lamang nito. Umabot ng ilang taong pag-hihintay ni Reyna Shai’gin. Hindi nagtagal ay namatay narin ang reyna dahil sa pagkalunod nito. Nalulungkot ang mga tao at bilang pasasalamat kay reyna Shai’gin, isang ritwal ang inihanda sa kanya ang pagsunog at pagpaanod ng kanyang katawan sa ilog. Dumating ang panahong binibigkas na lamang ng mga tao ang Ilog Pashai’gin ng Ilog Pasigan dahil ang tubig ay na mula sa dalampasigan. Hindi nagtagal ay pinangalan na rin ang isang pook kung saan matatagpuan ang ilog Pasigan ng Pasig. Kaya nagiging Ilog Pasig ito sa bukang bibig ng bagong henerasyon.