PNS — Sa kanyang solo presscon, in-announce ni Annabelle Rama na ipakikilala na starting Sunday si Al Quinn bilang bagong director ng Star Factor. Pinauwi at pinamasahian ng TV5 ang director para umuwi ng ‘Pinas at hawakan ang reality show ng istasyon.
In-announce rin ni Annabelle na sa Sunday, ipakikilala na ang 18 contestants ng Star Factor at sa September 26, apat ang ma-i-eliminate sa kanila. Six contestants lang ang matitira at isa sa kanila ang grand winner at talagang artistahin ang hinahanap nila.
Natuwa si Annabelle sa text ng management na mataas ang ratings ng Star Factor na kaya niya tinanggap dahil mga sikat ang kasama at makaka-level siya sa mga sikat. Ang request lang nito’y kaliwaang talent fee para may pang-grocery siya at ang kondisyon ay ’wag siyang mapuyat. Si Avel Bacudio ang stylist ni Annabelle, inagaw daw niya kay Ruffa Gutierrez.
Kuwento rin ni Annabelle, sa October na ang taping ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez, wala pa raw director at ’di pa niya alam kung sino ang leading ladies ng anak at aware siyang may nagre-request na isama si Solenn Heussaff. Nanliligaw ba si Richard kay Solenn?
“Hindi ko alam kung nanliligaw si Richard kay Solenn, pero ang alam ko, hindi puwedeng maging GF ni Richard si Solenn. Kinausap ni Georgina Wilson (ex ni Richard) si Solenn na ’di siya puwedeng pumatol kay Chard dahil best friends sila. Saka, noong sina Georgina at Chard pa, kasama nila minsang mag-date si Solenn,” sabi ni Annabelle.
May bago na naman palang talent si Annabelle, pero hindi muna binanggit ang pangalan at sa presscon na lang daw makikilala ng press.