PNS — Hangga’t maaari, ayaw nang pag-usapan pa ni Luchi Cruz-Valdez na ngayon ay head na ng News and Public Affairs ng TV5 ang naging alitan nila ni Maria Ressa na head naman ng News and Public Affairs ng ABS-CBN. Dati silang magkasama sa Kapamilya network pero nagkaroon sila ng problemang dalawa and Luchi had to resign.
Isang entertainment editor ang nagtanong sa kanya kung totoo ba ang tsismis na siya ang nagparating kay Ms. Charo Santos-Concio ng hindi magagandang sinabi ni Ressa against the president of ABS-CBN, at say niyang natatawa, “naku, huwag na nating ungkatin pa ’yan, ang tagal na nu’n, eh.”
Okay na naman daw sila ni Maria and in fact, nagkita pa sila sa Senado nang ipatawag sila para sa investigation ng hostage crisis recently. Nag-usap naman daw sila and very civil with each other.
Samantala, mas lalo pang pinalakas ng News5 ang kanilang departamento sa pinakabagong programang lalabas ngayong Setyembre tulad ng Journo every Tue at 10 p.m. with Luchi, Public Affairs every Thurs. kasama si Atty. Persida Acosta, Astig every Saturday at 3 p.m. hosted by Manu Sandejas at Chiqui Roa-Puno followed by Alagang Kapatid at 4 p.m. hosted by Cheryl Cosim at ang Oplan Zero Tambay ni RAffy Tulfo every Sunday at 10:30 p.m.
Natanong nga namin si Ms. Luchi kung sinu-sino pang journalists ang balak nilang kunin at pabiro niyang sabi, “wala na akong makuha kasi naka-exclusive contract na sila sa ibang network. Gusto ko mang mang-agaw, wala na akong maagaw.”
Kung sakali, gusto raw niya sanang kunin si Anthony Taverna ng ABS-CBN at muntik na nga raw niyang magawa kaso ay nag-counter offer ang network sa journalist.
Isa si Luchi sa may pinakamakulay na karanasan bilang broadcast-journalist. Naikot na niya halos lahat ng malalaking istasyon from GMA-7 to ABS-CBN at ngayon ay sa TV5.
She had her share of controversies too, from breach of contract to injunction to forced resignation pero so far ay nalusutan naman niyang lahat. Dahil na rin sa hindi matatawarang husay ng nasabing journalist kaya naririto pa rin siya sa business at nananatiling isa sa pillars ng news and public affairs industry.