PNS — Kahit na anong busy ni Ogie Alcasid para sa nalalapit nilang kasal ni Regine Velasquez, lagi siyang present sa taping ng shows niya sa Siyete — Bubble Gang, Hole In The Wall at frequent guesting sa Show Me Da Manny.
Kaya lang, nabalitaan namin na may kinaharap na problema si Ogie sa kasal nila ni Regine.
We heard na nag-back out ang venue ng kanilang kasal ni Songbird. Hindi raw kasi kakayanin ng nauna nilang kinuhang venue ang engrandeng selebrasyon at dami ng invited guests.
Pero ang mabuti, agad namang nakakuha ng replacement ng venue sa wedding si Ogie sa tulong na rin ni Mr. Manny V. Pangilinan. Kung saan ito, mahigpit daw ang bilin ni Ogie na huwag munang ibulgar at baka magkaroon na naman ng problema.
Kaya tuloy na tuloy na talaga ang kasalang Ogie-Regine sa December.