PNS — Mukhang hindi na mapipigilan na humantong sa korte ang alitan between Claudine Barretto and Angelica Panganiban. Naki-join pa nga ang Star Magic head na si Mr. Johnny Manahan.
Sa tagal ng itinakbo ng alitan ay nalilito na ang mga tao kung ano o sino ang pinagmulan ng away. Sa pag-kakaalam namin, may sinabi raw si Angel na may BF si Clau na friend daw ng dyowa niyang si Derek Ramsey. Nagsalita na rin si Mart at sinabing walang katotohanan ’yun at kilala niya ang sinasabing guy.
Sa presscon para sa Bantatay tampok sina Mart, Gelli de Belen, Jennica Garcia, Krystal Reyes, Renz Valerio, Eva Dareen, Camille Prats and Sweet Ramos, maagang nakiusap ang taga-GMA sa press na iwasang tanungin ang actor about the trouble involving his wife. Sa totoo lang, noon pa mang binata si Mart, iwas-pusoy talaga ito pagdating sa pribado at personal na isyu. For the first time nga, nagsalita ito sa media two weeks ago para ipagtanggol ang asawa at sinabing iyon na ang first and last time niyang magsasalita.
Speaking of Bantatay, veterinarian ang role ni Mart sa bagong Kapuso primetime show, na matapos mamatay ay sumanib sa isang golden retriever named Bantay ang kanyang kaluluwa. Kaabang-abang ang bagong serye na mapapanood sa Monday, Sept. 20.