PNS — SINAGOT ni Johnny Manahan, head ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, ang lumabas na item kahapon dito sa Tonight tungkol sa gagawing pagdedemanda ni Claudine kay Angelica Panganiban.
Sa interview ng Tonight kay Claudine sa Kapuso Kadayawan weekend, sinabi ng aktres na desidido siyang sampahan ng kasong slander o libelo si Angelica dahil sa diumano’y pagkakalat nito ng tsismis na meron siyang ka-affair.
Ang lalaking itinuturong “kabit” daw ni Claudine ay best friend umano ni Derek Ramsay, BF ni Angelica, at kakilala’t kaibigan din ni Raymart Santiago, mister naman ni Claudine.
Ani Mr. M sa Pep Alerts ng entertainment website na PEP (Philippine Entertainment Portal), “Go ahead. Sue, Claudine. Make our day! Para Bellum.”
Ang ibig daw sabihin ng Latin adage na “para bellum” ay “prepare for war.”