PNS — SA interview kay Mariel Rodriquez sa E-Live ng co-host sa show at best friend na si Bianca Gonzales, ikinatwiran ni Mariel na ma-tagal na raw siyang humi-hingi ng bakasyon sa ABS-CBN, even noong Wowo-wee days pa lang.
“Sabi ko, if I could have a birthday leave. I was asking for two weeks, the first and second week of August. I tried but I was denied kasi nag-start kami ng Pilipinas Win na Win! Matagal ko nang gustong magbakasyon.”
Walang nakaaalam kung hanggang kailan ang hininging bakasyon ni Mariel pero ang pangako niya ay babalik at sana raw, welcome pa rin siya sa Kapamilya.
“I’m taking a risk. It is a risk kasi hindi ko alam kung ano pa ba ang mababalikan ko. Sana makabalik pa rin ako sa ginagawa ko. I’m really happy. I do not regret the decision I made. Finally, I’m going to be able to do what I want. Finally, I want something for myself,” depensa ni Mariel sa biglaang pagbabakasyon, kasi ginagawa raw ito nang walang pag-aalinlangan.
“Hinding-hindi ako nagsisisi sa desisyong aking ginagawa. Ayaw kong mag-regret. Hindi ba, that’s how girls are? Di ba, we’ll do everything?”
Ang pansamantalang pag-alis ni Mariel sa mundo ng showbiz ay may blessing naman ng manager ni-yang si Boy Abunda, ma-ging ng kanyang pamilya. Kung saan daw maligaya si Mariel, hindi nila ito hahadlangan. Sa ngayon, hindi pa sigurado si Mariel kung ano ang magiging kinabukasan ng relasyon nila ni Robin. Ang iniisip lang niya, “’Yung kasalukuyan, ‘yun ang magdra-draw ng future. So, kailangan i-enjoy lang namin.”
Habang ini-interview ni Bianca si Mariel, hindi nito mapigilang maiyak pero ramdam niya ang kasiyahan ng kaibigan.
May mensahe rin si Bianca na ipinarating kay Robin.
“Robin please take care of Mariel. Marami talagang nagmamahal sa kanya sobra.”