Skip to content

Philippines Today

home of the Global Filipino

Menu
  • News Stories
  • Regional News
  • Business & Economy
  • Science & Technology
  • International
Menu

Tambalang Zanjoe at Cristine, hindi papahuli kina Rafael at Denise

Posted on August 25, 2010

Kasing-init ng mga eksena sa “Martha Cecilia’s Kristine” ang naging pagtanggap ng sambayanan sa programa nang ipalabas ito sa The Filpino Channel (TFC) noong nakaraang linggo.

Humataw ng 18.6 percent ang pilot episode ng programa nina Zanjoe Marudo, Cristine Reyes, Rafael Rosell, at Denise Laurel kumpara sa 9.6 percent ng kalabang programa ayon sa nationwide survey ng Kantar Media/TNS.

“Lahat sila nagandahan, maganda raw yung story, maganda raw yung acting. Sabi ng mga friends ko kaabang-abang siya at nakakabitin,” sambit ni Cristine.

Patuloy namang lumalakas ang rating ng ‘Kristine’ dahil na rin sa ganda ng kuwento, ng mga mga eksena, at pag-arte ng mga bida sa direksyon ng batikang director na si Rory Quintos.

Una nang nagdala ng kilig at sabik ang tambalang Marco at Emerald, na ginagampananan ng most sensual on-screen sweethearts na sina Rafael at Denise. Kasalukuyang bihag ni Marco si Emerald na naligaw sa kanilang lupain. Dugo man ng mortal na kaaway ang nananalaytay sa kanila tila hindi mapigilan ng dalawa ang mahumaling sa isa’t isa.

Hindi naman daw patatalo ang Prince of Passion na si Zanjoe at ang Jewel of Romance na si Cristine, na gaganap na Jaime Reyes at Jewel Fortalejo.

“Feeling ko naman, magugustuhan ng tao yung tandem namin ni Cristine. Iba ang atake namin ni Cristine sa mga characters namin. Kung sina Marco at Emerald eh medyo intense na seryoso, kami cute na makulit,” ani Zanjoe.

Masasaksihan na ang kapana-panabik na pagkikita ni Jaime at Jewel ngayong linggo sa pagdating nilang dalawa sa Paso de Blas. Si Jaime ay babalik upang tulungan ang mga De Silva na pinagkakautangan niya ng loob, samanatalang si Jewel naman ay susunod sa ate n’yang si Emerald.

Pangako nina Cristine at Zanjoe na lalo pang maaakit ang mga tagapanood sa nakakapanabik na mala-‘Romeo and Juliet’ na kuwento ng ‘Kristine.’ Abangan ang maiinit na eksena at makapigil-hiningang mga kaganapan sa “Martha Cecilia’s Kristine” sa pinakamainit na himpilan para sa sambayanang Pilipino — TFC.

Sumali rin sa opisyal na Martha Cecilia Kristine fanpage sa facebook na matatagpuan sa www.facebook.com/phrpresents o sa twitter @PHR_kristine para sa pinakasariwang balita tungkol sa pinakamalaking teleserye ng taon.

Share this:

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Pinterest
  • More
  • Tumblr
  • Reddit

Related

News Categories

  • Announcement (34)
  • Business & Economy (1,567)
  • Comment and Opinion (74)
    • Random Thoughts (18)
  • Current Issues (425)
    • Charter Change (1)
    • Election (228)
    • Population (6)
  • International (389)
  • Life In Japan (66)
    • Everything Japan (41)
  • Literary (34)
  • Miscellaneous (610)
  • News Stories (5,312)
  • OFW Corner (297)
  • Others (75)
  • People (408)
  • Press Releases (163)
  • Regional News (3,362)
  • Science and Technology (502)
  • Sports & Entertainment (287)

Latest News

  • BSP keeps policy rates anew December 17, 2015
  • NEDA cuts PHL additional rice import for 2016 by 25% December 17, 2015
  • DA cites serious implications of banning genetically modified products December 17, 2015
  • BBL is not yet dead – Drilon December 17, 2015
  • Comelec recognizes Duterte’s CoC for president December 17, 2015
  • NEDA chief sees 2015 growth at 6% despite typhoons December 17, 2015
  • House of Representatives ratifies bicam report on P3.002-T national budget for 2016 December 17, 2015
  • Cebu-based developer invests PHP430M to build 709 townhouse units in north Cebu town December 17, 2015
  • City gov’t eyes P75-M income from economic enterprise December 17, 2015
  • Baguio City LGU presents traffic plan for holiday season December 17, 2015

Archives

Meta

  • Log in
  • Entries feed
  • Comments feed
  • WordPress.org

Science and Technology

  • DOST-ICTO targets 500,000 web-based workers from countryside by 2016
  • (Feature) STARBOOKS: A ‘makeover’ for librarians
  • Science, research reduce ‘cocolisap’ hotspot areas in PHL
  • Montejo to further improve PAGASA and empower scientists
  • 1st PPP in biomedical research produces knee replacement system fit for Asians

Press Releases

  • Microsoft to buy Nokia’s mobile devices business for 5.44-B euros
  • New World Bank climate change report should spur SEA and world leaders into action: Greenpeace
  • Save the Philippine Seas before it’s too late — Greenpeace
  • Palanca Awards’ last call for entries
  • Philippines joins the global call for Arctic protection

Comment and Opinion

  • Remembering the dead is a celebration of life
  • Killer earthquake unlikely to hit Panay Island in near future – analyst
  • It’s not just more fun to invest in the Philippines, it is also profitable, says President Aquino
  • How does one differentiate a tamaraw from a carabao?
  • Fun is not just about the place, it is also about the people, says DOT chief

OFW Corner

  • Ebola infection risk low in Croatia
  • Death toll rises to 41, over 100 still missing in landslide in India
  • Asbestos use in construction a labor hazard
  • 500,000 OFWs to benefit POEA on-line transactions — Baldoz
  • 25 distressed OFWs return home from Riyadh
©2025 Philippines Today | Design: Newspaperly WordPress Theme