PNS — In a hastily-called presscon at Annabel’s in Quezon City, the former noontime king said he is poised for a battle. He announced that he is rescinding his contract with ABS-CBN which will expire on September 2011. While the network has given its official statement regarding the matter, Willie and his two lawyers are standing by their decision.
“Nag-usap na kami ni Linggit Tan (ABS exec) na babalik ako sa Wowowee noong July 31,” Willie explained. “Tapos, nung ready na ako na bumalik, pagkatapos kong sabihin lahat ang gusto ko, pati mga bagong game portions, kinausap ulit ako at sinabing hindi na raw ako babalik sa Wowowee, at bibigyan na lang daw ako ng once a week show sa Studio 23. Pinagbakasyon nila ako ng tatlong buwan, without pay, tapos, ibabalik nila ako sa isang once a week show. Noong wala pa ang Wowowee, wala akong sakit. Hindi ko naman sinisisi ang Wowowee o ang ABS, pero ako kasi pag ginawa ko ang isang bagay, gusto ko ako ang nag-aayos. Sa isang linggo, Linggo na lang ang pahinga ko, pero hindi ko pa rin magawa. Pag may narinig akong isang music na gusto kong gamitin, tatawag pa ako sa staff ko, o, ‘yan, bagong music, gusto ko gamitin natin ‘yan.”
Willie’s problems started with emotions. Willie got enraged by the actions of Kapamilya Jobert Sucaldito, who he said was making constant tirades in his radio show and in his showbiz columns. In his fit of anger, he threatened the very hand that fed him. “Pag hindi ninyo tinanggal yan, ako ang aalis dito. Tandaan n’yo ‘yan.” His words, boomeranged on him. Those words sounded like it was coming from a very powerful person who was holding the world in his hands Willie did not resign, he was made to take a rest for three months. Obviously, he wanted to return to Wowowee, but the real powers prevailed. Now, Willie, although in a powerful stance still (well, with all the money he has saved and invested?), wants to project himself the aggrieved party. “Ang buhay ko po ay Wowowee,” he declared. But Wowowee is no more. It was like a desperate move to make himself open to other networks, inspite of an existing and binding contract with ABS-CBN. And he’s ready for a legal battle, what with his battery of lawyers in tow. “Ang mga tunay na kaibigan ay malalaman mo sa oras ng kagipitan,” he said. “Handa po ako lalo na’t nandiyan ang mga sumusuporta sa akin, si Nanay Cristy Fermin, si Nay Lolit Solis, sina Tita Daisy (Romualdez) at Tita Annabelle (Rama), ang Team Pacquiao, si Boss Vic del Rosario na nandiyan pa rin hanggang ngayon. Di ko makakalimutan na pinautang ako nyan ng P50 thousand dahil hindi na ako nakakabayad noon sa inuupahan kong bahay.”
But true friends, we must say, aren’t measured by how much money or favor they have given. Willie will realize that when he’s down and out again. Which at this point seems to be a long shot since from the business standpoint, he has secured himself well for many years to come. Well, here comes another phase in Willie’s life, a checkered one, which like a telenovela in a primetime slot, is rating very high.
THE night before pala na magpa-presscon si Willie Revillame, nag-text daw sa kanya ang kaibigang singer-composer na si Lito Camo. Ang mensahe nito, ibabalik na raw ang Wowowee ayon sa creative director ng show na si Edgar Mortiz.
“Napaiyak ako nang malaman ko ‘yun. Maging si Direk Bobot ipinaalam niya sa akin na ibabalik nila (ABS-CBN) ang Wowowee. Napaiyak ako, kasi huli na. May pa-presscon na ako kinabukasan. Pinag-isipan kong mabuti ang naging desisyon kong ito. Kung napaaga lang siguro, baka… but it’s too late. Bakit, hindi noong July 31 na maayos na ang lahat, na okey na?” paliwanag ni Willie.
Very vocal si Willie sa pagsasabing mahal niya ang Wowowee, na nakakapagpaligaya ng mga mga tao at nakakatulong sa mga mahihirap. Nag-apologize siya sa ABS-CBN na tinanggap naman ng network, pero hindi niya alam kung bakit hindi natuloy ang dapat sana’y pagbabalik niya sa Wowowee nu’ng July 31. Ilang araw at gabing pinag-isipang mabuti ni Willie ang desisyong kusa nang umalis at putulin ang kontrata sa Kapamilya Network na siya nitong inanunsiyo sa presscon.
Sinagot naman ng ABS-CBN ang naging desisyon ni Willie na “putulin” na ang kontrata sa Kapamilya.
“Willie’s the one who showed disrespect when he threatened ABS-CBN during Wowowee’s May 4 episode. And because he violated the stipulations of his contract, it is ABS-CBN’s prerogative whether to keep him as its talent or not. Lastly, the network stressed that a contract is an agreement which should be strictly followed by both parties,” pahayag ng Kapamilya Betwork bilang sagot sa sinabi ni Willie sa kanyang presson.
Ibig sabihin, mananatiling talent si Willie sa ABS-CBN hanggang matapos ang kontrata niya sa September 2011.
Alam ni Willie na September next year pa ang magtatapos ang kanyang kontrata, kaya lang maraming nakakara-ting sa kanyang balita na marami na umano ang ayaw na mag-stay siya sa ABS-CBN.
Para nga naman sa ikaluluwag ng lahat, siya na ang gumawa ng desisyon masakit man sa ito sa kanya.
Ang tanging hangad ng TV host, maging maayos ang paghihiwalay nila ng Kapamilya Network na itinuring niyang sariling pamilya. Wish namin, matapos na ang isyung ito between Willie and ABS-CBN. Sana rin, “palayain” na ng Kapamilya ang TV host, tutal naman daw ay marami ang ayaw na sa kanya. Nagpaalam din daw nang maayos si Willie sa ipinadalang sulat kay ABS-CBN Chairman Mr. Gabby Lopez.
“Wala akong masamang masasabi sa ABS-CBN,” pagtatapos ni Willie.