PNS — Dumating na nga kahapon sa bansa si Kris Aquino mula sa tatlong linggong pagbabakasyon kasama ang mga anak na sina Joshua at Baby James.
Sakay ng Philippine Airlines PR-113 flight from Los Angeles, dumating ang TV host-actress sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 alas-singko ng umaga.
Reports have it na pumila si Kris at naghintay ng kanyang turn sa immigration area and did not receive any special treatment.
Napag-alaman din naming nang makita si Kris ng mga airport reporters, ang unang tiningnan sa kanya ay ang kanyang tiyan since may balitang buntis siya. They found out na maliit naman ito at walang senyales na preggy nga si Tetay.
Sa panayam kay Kris ng mga reporter sa VIP lounge, itinanggi niya ang balitang seven months preggy siya at inaming hindi siya natuwa sa balita. Sinabi rin niyang nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na si Pres. Noynoy Aquino at tinatanong din siya tungkol dito.
Natanong daw si Kris kung bakit gusto niyang wakasan ang marriage with James Yap at pakanta raw nitong sinagot na “It must have been love but it’s over now.”
Nasagot din daw ni Tetay ang tungkol sa isyung nili-link siya kay Sen. Chiz Escudero. Pinasinungalingan niya ang balita sa pagsasabing, “I’m not a homewrecker.”
Sa isang panayam, sinabi naman ni Kris na nag-enjoy siya sa kanyang three-week-vacation with the kids at nakapagpahinga mula sa stress and pressure of her hosting jobs.
Bandang 8:30 a.m. ay nakatanggap naman kami ng text message mula kay Kris na naglalaman ng inspirational quote, which means she’s really back. Pansamanta kasing natigil ang daily inspirational quotes na ipinadadala niya sa amin nang magpunta siya sa States.
“In case, you’ve missed me, I’m back!” pahayag ng kanyang mensahe at sinundan na ng quotation mula kay Arnold Glasgow which stated: “Live so that your friends can defend you but never have to.”
Since her arrival yesterday morning ay sobrang hectic na agad ng schedule ni Kris. Dumiretso agad siya sa rehearsal ng bagong noontime show na magsisimula ngayon, ang Pilipinas, Win na Win!, with Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Pokwang and Valerie Concepcion.
May isang araw na lang kasi siya para pag-aralan ang concept at mechanics ng game.
Kasabay nito ay ang kabi-kabilang interview sa kanya sa TV kabilang na ang TV Patrol at SNN: Showbiz News Ngayon kung saan siya nakatakdang magsalita exclusively.
As expected, nagkaiyakan kahapon sa last telecast ng Wowowee.
Ang pinakasentro ng pamamaalam ay na kay Luis Manzano dahil as we all know, siya ang pinakamatagal na pumalit sa puwesto ni Willie Revillame.
Hindi mapigilang maging emotional ni Luis habang nagpapaalam sa lahat ng hosts at production staff.
Wala yatang hindi nag-iyakan kahapon sa studio mula sa hosts, staff at ’yung mga nasa audience. Maging sina Valerie, Pokwang at Mariel ay nag-iiyakan para sa mga kasamahang hindi na makakatrabaho.
Samantala, ngayong araw na ito na ang pinakahihintay na pagsisimula ng bagong noontime show na kapalit ng Wowowee, ang Pilipinas, Win na Win.