ulat mula sa Pusod Incorporated)
Lungsod ng Lipa, BATANGAS- Pinangunahan ng brgy Sto Niño at Talisay at ilang myembro ng konseho ng Lipa Headwater Councils (LHWC) ang pagsasanay sa tinatawag na Biodiversity Monitoring system o BMS na isasagawa sa Bundok Malarayat.
Ang BMS ay isang sistema ng pagkalap ng mga datos upang mamatyagan ang mga pagbabago sa mga likas na yaman ng nasabing bundok.
Nitong Ika 11 hanggang 13 ng Disyembre sa paggabay ni Michael Edrial ng Haribon Foundation ay nilagyan ng tanda o marker dalawang kilometrong paakyat mula sa tangke ng tubig ng Brgy Sto Niño patungong sitio Palamigan pababa ng bundok Malarayat upang italaga ang mga lugar (sites) na maaring balik-balikan upang pagbatayan ang mga pagbabago tuwing ikatlong buwan sang-ayon sa napagkasunduan ng mga myembro ng barangay at ng konseho. Kasunod na sinimulan ang kaparehong hakbang sa Brgy Talisay upang magkaroon din ng transect sites ang nasabing barangay.
Ayon kay Edrial sa pamamagitan ng BMS ay mamomonitor aniya ang mga pagbabago sa likas yaman gaya ng halaman, mga hayop sa Malarayat at maging mga gawain sa kabundukan. Ang resulta sa BMS ayon pa kay Edrial ay maaaring maging batayan sa pamamahala ng mga kinauukulan katulad ng DENR at LHWC.
Samantala napagkasunduan ng mga kalahok mula sa barangay para sa na gumampan sa Transect ng Brgy Sto Nino sina Elmar Mea at Ronnel Pesa ng samantalang sina Pedro Lattore at Democrito Obales ng brgy Talisay.. Sa pagtatapos rin ng pagsasanay ukol sa BMS nagbigay ng pahayag si Richelle Manalansan ng LIMA Land ng pagsuporta at pakikilahok umano sa pangangalaga ng watershed sa bundok Malarayat
Itinuturing na isang Forest Reserve ang Bundok ng Malarayat, ayon sa Proclamation 842, ang bahagi ng bulubundukin ng Malarayat ay dapat protektahan dahil ito ay tubig-tinggalan na siyang pinagmumulan ng tubig ng Lipa, Balete, Malvar, lungsod ng Tanauan, San Jose at bahagi ng Makiling-Banahaw watershed. Sa nasabing bundok matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng tubig na pinagkukunan ng tinatayang may 50 libong pamilyang Lipeño at mga karatig bayan at lungsod, ayon sa datos ng MLWD.
Samantala habang isinusulat ang balitang ito ay minimithing ang Brgy Malitlit ay makapagsagawa rin ng kaparehas na gawain.