MANILA, July 15 (PNA) — Acknowledging that it was his last time to attend the change of command of the Philippine Army as Commander-in-Chief of the country’s Armed Forces, President Benigno S. Aquino III on Wednesday paid tribute to all the military officials and personnel who served under his administration.
“Talaga namang mapalad ako na ang lahat ng itinalaga nating mga pinuno—mula sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa, hanggang sa mga Chief of Staff ng AFP (Armed Forces of the Philippines), at maging ang ating service commanders—ay nagpakitang-gilas sa serbisyo. Sa pangunguna ni (Defense) Secretary Voltaire Gazmin, ang mga pinuno ninyong ito ay katuwang ko sa pagpapaunlad at pagpapahusay sa ating kasundaluhan,” he said during the ceremony to install Major General Eduardo Año as new Army chief, held in Fort Andres Bonifacio, Taguig City
“Ilan sa mga itinalaga nating pinuno, gaya ni Sec. Volts, ay personal nating kakilala at madalas ding nakakasama sa mga pagpupulong. Meron namang nakilala ko habang sila ay junior officers pa lamang, kung saan nakitaan na sila ng husay at dedikasyon sa serbisyo. Habang ang iba naman, nakasalamuha lang natin dahil isa sila sa mga kandidato sa iba’t ibang mga posisyon,” he added.
The President lauded former AFP Chief of Staff, Lieutenant General Emmanuel Bautista’s efforts to bring the military closer to the people.
“Direkta siyang nakikipag-usap sa mga nangangailangan ng tulong, na agaran at walang alinlangan naman niyang tinutugunan. Bilang Chief of Staff noon, matagumpay niyang naitimon ang Sandatahang Lakas sa kabila ng patong-patong na krisis na hinarap ng bansa noong 2013, at sa iba pang mga hamon sa loob at labas ng Pilipinas,” he said.
President Aquino also expressed his admiration for former Philippine Air Force Commanding General Lauro dela Cruz.
“Hanga po tayo sa paghahatid niya sa Air Force tungo sa mas matatayog na tagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Isang matingkad na halimbawa nito ang pagpapakitang-gilas ng Air Force noong humarap tayo sa matinding hamon — krisis sa Zamboanga, lindol sa Cebu at Bohol, at paghagupit ng bagyong Yolanda,” he said.
He recalled that during that time, three C-130s had to transport personnel, equipment, relief goods, and other supplies to these areas in crisis, yet General Dela Cruz took up the challenge.
“Ni minsan wala akong narinig na reklamo mula sa Air Force, na kesyo under-repair o unavailable ang ating mga C-130 at iba pang mga sasakyan. Walang mintis kasing kinukumpuni at pinapakondisyon ng mga propesyonal na serviceman at piloto ang ating mga eroplano. Tunay ngang sa pamumuno ni Larry dela Cruz, nagabayan ang ating mga kawal na gawin ang lahat ng makakaya upang epektibo at agarang rumesponde sa oras ng pangangailangan,” he said.
The President also cited Captain Neil Edward Camarillo and Sergeant Gilbert Balonga of the Army’s Task Force Minion, for their role in neutralizing Leoncio “Ka Pitao” of the New People’s Army in Davao City.
“Iilan lang sila sa mga patunay na talagang de-kalibre ang mga pinunong naitalaga natin para pangunahan ang ating unipormadong hanay. Muli, talaga pong ako’y pinalad na makahanap ng mga tapat at mahuhusay na pinuno ng atin pong buong kasundaluhan,” he said.
With one year left before he steps down from office, President Aquino said he wants to see the transformation that the country has been undergoing to continue.
“Sa tulong ng ating kasundaluhan, sasagarin pa natin ang natitirang panahon upang higit pang maghatid ng benepisyo sa ating mga Boss,” he said, calling on the military to help secure next year’s presidential elections.
“Malinaw po na ang kapayapaan ay pundasyon ng pangmatagalang kaunlaran sa ating bansa. Kompiyansa akong sa ilalim ng bagong liderato ng Hukbong Katihan at ng ating Sandatahang Lakas, patuloy na mabibigyang lakas ang ating mga sundalo bilang mga kawal ng kapayapaan, at bilang kawal ng positibong pagbabago,” he said.
“At gaya ng lagi kong idinidiin: Karangalan kong maging Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas na buong loob na isinasabuhay ang Kagitingan, Integridad, at Katapatan, para sa kapwa at bansa.” (PNA)