Itanong mo kay Ate Daisy
Dear Ate Daisy,
Napakatorpe kong lalake. Araw-araw ko siyang nakikita, pero di ko man lang masabihan ng “gud morning.” Malapit na ang araw ng mga puso, pero di ko alam ang gagawin ko. Nanlalamig ang mga kamay ko kahit mapalapit lang ako sa kanya. Nawawala boses ko (o ano kaya naghahigh pitch) pag sinusubukan kong kausapin siya. Ano ang maipapayo niyo sa akin para naman magamot itong katorpehan ko?
Peter (Tokyo)
Dear Peter,
Kung alam ng babae na may gusto ka sa kanya AT kung may gusto din siya sa iyo, most likely, “cute” ang katorpehan mo. Surely, napapansin niya iyon dahil ang observation senses ng babae ay di hamak na mas-advanced kaysa sa lalaki. Kung wala siyang gusto sa iyo, I’m sorry, manigas ka dahil sa iyong katorpehan. Pero kapag may gusto rin siya sa iyo, gagawa din siya ng paraan “to break the ice” ika nga. Tanungin mo muna ang sarili mo kung may gusto rin siya sa iyo. Kung sa palagay mong wala kang pag-asa, kahit hindi ka pa torpe, wala pa ring epek iyon. Pero kapag may gusto rin siya sa iyo, o kahit man lang may pag-asa ka, hintayin mo lang at gagawa din siya ng paraan, or at least, gagawa ng paraan ang kanyang matalik na kaibigan o confidant. Of course, mas okay talaga kung magpakalalaki ka at yayain mo siya, kahit man lang coffee sa Mister Donut. May dalawang araw pa bago ang Valentine’s Day. Miracles still happen.
——————————
Dear Ate Daisy,
Ang asawa ko ang hilig hilig makipagtalik at parang hindi ko mapantayan ang kanyang apetite. Ganyan ba talaga ang mga lalaki? May magagawa ba ako tungkol dito?
Leila (Ibaraki)
Dear Leila,
Ang lahat ng tao, lalaki man o babae, are driven by hormones. Sa lalaki, ang testosterone na galing mismo sa kanyang testes (o bayag) ay siyang tumutulak ng kanyang powerful sex drive. Ayon sa isang pagsusuri, ang karamihan sa lalaki thinks about sex every 30 minutes. At kung gusto mo raw malaman kung ang isang lalaki ay handang makipagtalik, tingnan mo lang kung siya’y humihinga. Ito’y isang biological urge dahil, by nature, lahat ng hayop, lalo na ang hayop mong asawa (hehe…joke lang), ay gustong dumami ang kanyang lahi. Ito ay kadalasang sanhi ng pag-aaway ng mag-asawa dahil ang babae naman, by nature, lalo na kung may anak na, ay hindi na gaanong mahilig sa sex. Mas priority niya ang pag-alaga ng kanyang anak o mga anak. Ito’y hormonal (oxytocin) at biological din.
Kung mahal ninyo ang isa’t isa, pwede ninyo itong pag-usapan. Communication is the key, kahit sa ano mang bagay, lalo na sa mag-asawa. Kung hindi ninyo mapag-usapan ang mga differences na ito at nag-eexpect kayo na maintindihan ng bawat isa ang kanya-kanyang needs, then ito ang magiging sanhi ng friction. Ang tao ay isa ring hayop na “driven by hormones”, pero tayo’y hayop na nag-iisip at nag-uusap (at nagmamahalan). Lahat ng bagay ay pwedeng mapag-usapan lalo na kung mahal ninyo ang isa’t isa.