Pinag-uusapan ngayon ang “Nagsimula Sa Puso”, ang bagong daytime drama ng ABS-CBN na nagsimula noong Lunes. Maganda ang feedback sa soap opera na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Unang araw pa lang, umani na ng papuri ang cast sa napakahusay nilang pagganap sa kanilang karakter.
Kakaiba ang pagganap na ibinigay ng cast. ‘Tulad ng ipinangako ni Maja Salvador, isang kakaibang katauhan ang ibibigay niya sa role bilang Celina. At ‘tulad ng inaasahan, nagpamalas ng husay si Coco Martin bilang Carlo. At ang napakahusay na pagganap ni Jaclyn Jose bilang ina ni Maja. At isang kakaibang Laurice Guillen ang gumaganap sa role na ina ni Coco.
Ayon sa isang TV analyst, “Nagsimula Sa Puso delivers a new approach in daytime programming. It makes a difference when cast members are brilliant actors. That’s what makes Nagsimula Sa Puso distinct from other daytime dramas.”
Bukod kina Maja, Coco, Jaclyn, Laurice, perfect ang pagkakapili kina Gloria Diaz, Buboy Garovillo, Cacai Bautista sa kanilang respective roles. Kaabang-abang ang paglabas ng karakter ni Nikki Gil na garantisadong magpapakita din ng kakaibang performance.
Mula ito sa direksyon nina Malu L. Sevilla at Darnel Joy Villaflor.
Ang Nagsimula Sa Puso ay mapapanood lamang sa The Filipino Channel (TFC).