PHILIPPINE NEWS SERVICE — ANG mga panalo sa tatlong magkakaibang weight classes, kabilang ang dalawang title conquest at isang dominant showing laban sa isa sa boxing’s all-time greats.
Ang lahat ng ito ay nakamit ni Manny Pacquiao sa loob ng 12 buwan, na nagbigay sa kanya ng malakas na posisyon bilang nangu-ngunang kandidato para sa top athlete honor ngayong taon.
Sa katunayan ay hindi na ito dapat pagtalunan.
Nagkakaisang pinili ng Philippine Sportswriters Association (PSA), ang pinakamatandang media organization ng bansa, si Pacquiao bilang Athlete of the Year nito para sa 2008 kasunod ng kanyang mainit na tagumpay sa ring na naglagay sa Philippine boxing sa mas mataas na antas.
Pinangungunahan ng 30-year-old boxing icon mula sa General Santos City ang mga finest sports personalities at entities ng katatapos na taon na pararangalan sa SMC-PSA Annual Awards Night sa Peb. 20 sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion Hotel.
Ito ang ikalimang pagkakataon na ipagkakaloob ng 60-year old media group na binubuo ng mga editors at sportswriters mula sa iba’t ibang national broadsheets at tabloids, ang pinakamataas na parangal kay Pacquiao, kung saan tinanggap niya ang katulad na Athlete of the Year honor noong 2002-04 at 2006.
Kasabay nito ay iluluklok ng PSA ang four-time world champion sa Hall of Fame, kung saan siya ang unang Filipino athlete na gagawaran ng nasabing parangal habang nasa kai-nitan pa ng kanyang career.
Ang mga naunang PSA Hall of Famers ay kinabi-bilangan nina bowlers Paeng Nepomuceno at Bong Coo, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro boxers Pancho Villa at Gabriel ‘Flash’ Elorde, amateur boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco, tracksters Lydia De Vega at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon, Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at golfers Ben Arda at Celestino Tugot.
“Manny Pacquiao has all the mark of a great athlete that while he’s still active fighting, he already deserved to be a Hall of Famer,” wika ni PSA President Aldrin Cardona ng Daily Tribune.
Pinagpilian din para sa Athlete of the Year honor na ipinagkakaloob taun-taon sa awards rite na itina-taguyod ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at suportado ng Shakey’s, Accel, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Basketball League (PBL) NCRAA, ICTSI, Smart, Purefoods, Ginebra, Ever Bilena, Harbour Centre at ni DENR Sec. Lito Atienza, ang Women’s World Cup champion duo nina Jennifer Rosales at Dorothy Delasin, young chess whiz Wesley So, wushu artist Willy Wang, boxer Nonito Donaire at golfers Angelo Que at Dottie Ardina.
Gayunman, wala sa kanilang nakahigit sa nagawa ng boxer na kilala bilang “The Pacman’ noong 2008.
Mainit na sinimulan ng Filipino southpaw ang taon sa pagtala ng razor-thin split decision win laban kay Mexican rival Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada upang agawin ang World Boxing Council (WBC) super-featherweight belt.
Pagkalipas ng tatlong buwan, idinagdag ni Pacquiao ang WBC lightweight crown sa kanyang koleksiyon nang pabagsakin si David Diaz sa ninth round ng kanilang title showdown sa kanyang unang pagsalang sa 135-pound division.
Ang tagumpay ay nagbigay sa boxing idol ng kanyang ika-apat na world title, upang maging unang Filipino at Asian boxer na nagwagi ng belts sa apat na magkakaibang weight classes kasunod ng naunang paghahari sa flyweight at super-bantamweight divisions.
Tila hindi pa ito sapat, inilabas niya ang kanyang naitatagong lakas.
Sa isa sa stunning upsets sa kasaysayan ng boxing, ipinalasap ni Pacquiao ang pinakamasamang kabiguan sa makulay na career ni boxing star Oscar De La Hoya, kung saan pinasuko niya ang dating Olympic gold medalist at 10-time world champion sa eighth round ng kanilang mega-welterweight showdown sa harap ng tinatayang 15,000 crowd sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ang bout na tinawag na ‘The Dream Match’ ang unang pagkakataong sumalang si Pacquiao fought sa 147 pounds.
“You’re my idol. You’re the best fighter in the world,” sabi ni De La Hoya kay Pacquiao matapos ang impresibong panalo na nagpatatag sa katayuan ni Pacquiao bilang best fighter sa buong mundo, pound for pound.