Isang katauhan, ibang kulay-balat
Isang kalooban, ibat ibang mulat
Isng diwa, maraming wika at dila
Maraming diyos ngunit isang Bathala
Tayoy isa.
Maraming bansa ngunit isang daigdig
Isang tubig, bawat buhay dinidilig
Isang lupang nagbibigay ng biyaya
Isang pangarap upang laging malaya
Tayoy isa.
Iba man ang hilig, ibig at damdamin
Marami man and ugali at gawiin
Ang tao sa kniyang ubod ay hawig
Sa lahat ng katauhan sa daigdig
Tayoy isa.
Sa hilaga, timog , silangat kanluran
Dito sa lupa, sa langit o saanman
Ang layon ng tao ay kaligayahan
Kahapon, ngayon, bukas at kailanman
Tayoy isa.
Tagapagmana tayo ng kalikasan
Sapat ito sa ating pangangailangan
Hari o yaya, lahat tayoy katiwala
Kayat pagingatan ang ipinagpala
Dahil tayoy isa.
Iwasan ang sigalot, tayoy magmahal
Pagkat tayoy likha ng isang Maykapal
Di-dapat dumihan and lupa at hangin
Di-dapat lasawin ang tubig-inumin
Dahil tayoy isa.
Dapat tayong magbago sa ating gawa
Tayo at mga anak natiy kawawa
Kung di-kikilos ay di rin makakamtan
Ang tunay at lubos na kaligayahan
Dahil tayoy isa.
Isa.